Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao dahil sa mga nakakatuwa at nakakabilib na mga videos nito sa kaniyang YouTube channel.

Isa na marahil sa mga paboritong video ng kaniyang mga subscribers ay ang kaniyang “Question & Answer” portion kung saan ang kaniya mismong mga tagahanga ang nagtanong ng mga katanungan para sa kaniya.

Namili na lamang siya kung ano sa mga ito ang kaniyang sasagutin. Sa 9 na minutong video ng binata ay nagbahagi ito ng ilang mga personal na bagay tungkol mismo sa kaniya tulad na lamang ng interes niya sa pagboboksing, pamilya, pag-ibig, estado sa buhay at ang mga bagay na gusto niya sa isang babae.


Marahil ay marami sa mga kababaihan ngayon ang nagnanais na maka-date ang isang Jimuel Pacquiao hindi lamang dahil sa kaniyang kagwapuhan at angking karisma ngunit dahil na rin sa kaniyang natatanging personalidad.

Ngunit marami rin ang mga taong tila nagdadalawang-isip na makipagkaibigan sa kaniya dahil sa estado niya sa buhay. Isa sa mga fans ni Jimuel ang nagtanong sa kaniya kung nakikita ba ni Jimuel ang kaniyang sarili na nagmamahal ng “poor” o “average girl”, o di kaya naman ay matanda sa kaniya o “single mom”.

Para kay Jimuel, hindi naman talaga mahalaga ang estado sa buhay nang kung sinuman ang nanaisin niyang mahalin sa hinaharap. Wala rin namang kaso sa kaniya ang magmahal ng mas matanda sa kaniya ngunit hindi naman sa puntong halos kaedaran na ito ng kaniyang Tiyahin.

Inamin din naman nito na hindi naman sa ayaw niya ng mga “single moms” pero hindi niya lang talaga ito gusto. Tunay nga na hindi na nakapagtatakang dumami ang mga kababaihang nagkakagusto kay Jimuel.

Bukod kasi sa pagiging simple nito at mabait ay mayroon din itong malapit at matatag na pananampalataya sa Diyos.