Showbiz

Jessy Mendiola, nagsusukat ng mga wedding gown, ikakasal na nga ba?



Si Jessica Mendiola Tawile o mas nakilala ng publiko bilang si Jessy Mendiola ay 27 taong gulang na aktres at modelo. Siya ay isinilang sa Dubai kung saan nagtatrabaho ang kaniyang ama na isang Lebanese-British national.

Photo Credits: Jessy Mendiola instagram

Ang kaniyang ina naman ay isang Pilipina. Tatlong taong gulang lamang siya noon nang bumalik sa bansa ang kaniyang ina kasama siya at ang kaniyang ate na si Pamela.

Nagtaksil kasi ang ama ni Jessy sa kaniyang ina kung kaya naman hiniwalayan na niya ito. Ang kaniyang bunsong kapatid na si Megan ay sa Mexico naman isinilang nang magkabati ang kaniyang mga magulang.



Photo Credits: Jessy Mendiola instagram

Ngunit sa ikalawang pagkakataon ay naghiwalay silang muli. Ang ama ni Jessy ay isang marine anthropologist. Nagkahiwalay man ang kaniyang mga magulang ay nanatili pa rin ang komunikasyon niya sa kaniyang ama.

Nakapagtapos siya ng Mass Communication sa Far Eastern University. Talaga namang hindi naging madali ang buhay para kay Jessy dahil siya ang tumayong breadwinner ng kaniyang pamilya.

Naranasan din niyang magkaroon ng matinding depresyon noon dahil sa maraming mga alalahanin at sa kaniyang timbang. Sa ngayon ay masaya at kuntento na siya sa kaniyang buhay sa tulong ng mga taong malalapit sa kaniya at dahil na rin sa kaniyang nobyong si Luis “Lucky” Manzano.

Sa higit apat na taon nilang relasyon ay talaga namang marami ang bumilib at kinilig sa kanila. Hindi na nakapagtatakang umugong ang usap-usapang ikakasal na ang dalawa.

Photo Credits: Jessy Mendiola instagram

Kamakailan lamang kasi ay nagbahagi ng larawan si Jessy habang nakasuot siya ng isang “diamond ring”. Matapos nito ay kumalat naman ang larawan niya na tila ba nagsusukat ng mga “wedding gown”.



Maraming mga netizens ang nagsabing bagay na bagay naman talaga sina Jessy at Luis kung kaya naman walang masama kung mapagdesisyunan na nilang magpakasal. Pagbibigay-linaw naman ng aktres, ang larawang kumakalat ay kuha noon pang isang taon kung kailan ipinalabas ang pelikula niyang “Stranded”.