Napakasarap magkaroon ng pamilya at napakagandang karanasan ang pagkakaroon ng isang kumpleto at masayang pamilya. Hindi nakapagtataka na marami sa atin ang nananalangin na dumating din ang araw na matagpuan natin ang taong magmahal sa atin at mamahalin natin ng lubusan.


Ang tao ring ito ang siyang makakasama natin sa ating pagtanda at sa pagbuo ng pamilyang matagal na nating pinapangarap. Tulad na lamang ni JC Santos na ngayon ay isa nang ganap na ama sa kaniyang munting prinsesa.


Si John Carlo Abrugar Santos o mas nakilala ng publiko bilang si JC Santos ay 31 taong gulang na aktor sa teatro at telebisyon. Una siyang nakilala dahil sa natatangi niyang pagganap sa television series na “Till I Met You“ bilang si Alejandro “Ali” Nicolas.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang aktor dahil sa pagbabahagi nito sa publiko na siya ay kasal na sa kaniyang high school crush na si Shyleena Herrera noon September 2019 at sila ay magkakaroon na ng anak. Nito lamang April 25 ay nagbahagi ang aktor ng larawan niya kasama ang kaniyang munting prinsesa.

Nilagyan niya nito ng caption na “Happy 2nd month to my funny little cream puff!”. Ayon sa ilang mga ulat ay pinangalanan nilang River Altheia ang cute na baby girl.


Talaga namang hinangaan ng publiko ang pagiging mapagmahal at responsableng ama ni JC sa kaniyang anak. Maraming nagsasabing kahawig niya ang kaniyang anak habang ang iba naman ay nagsasabing nakuha nito ang kaniyang mga mata sa kaniyang ina.

Cute na cute naman maging ang iba pang mga artista sa anak na ito ng aktor. Sinusulit din ng mahusay na aktor ang kaniyang oras at panahon kasama ang kaniyang pamilya.


Tunay nga na napakalaking pagbabago sa buhay ng isang tao ang maging isang magulang, ngunit sa kabila ng pagbabagong ito ay napakagandang biyaya at karanasan na talaga namang hindi mo malilimutan kailanman. Ang pagiging isang ama ay isang napakalaking responsibilidad kung kaya naman tiyak na mas magiging responsable at mabuting tao si JC hindi lamang para sa kaniyang pamilya kundi lalo na para sa kaniyang munting prinsesa.