Janine Gutierrez at Rayver Cruz nagbahagi ng ilang magagandang larawan ng kanilang Palawan vacation!



Ilang mga buwan na rin ang nakalipas buhat ng maranasan natin ang pandemyang nagpahirap at nagdulot ng takot sa maraming mga bansa sa buong mundo. Dahil nga sa mabilis makahawa at mabilis kumalat ang karamdamang ito ay marami sa ating mga Pilipino ang halos pitong buwan ring nanatili sa ating mga tahanan.

At sa ngayon nga ay tila nasasanay na tayo kahit papaano sa “new normal” kung tawagin ng nakararami. Maaaring bago para sa atin lahat ang mga bagay na ito sa ngayon ngunit wala naman tayong ibang magagawa kundi sumunod sa mga ito para na rin sa ating kaligtasan.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang naging pagdiriwang ng aktres na si Janine Gutierrez ng kaniyang ika-31 taong kaarawan. Nagkaroon kasi siya ng pagkakataong makapagbakasyon sa napakagandang Entalula Island sa Palawan.


Sino ba naman ang hindi mabibighani sa angking kagandahan ng lugar na ito? Tila paraiso para sa maraming mga dayuhan at lokal na turista. Sa mga larawang ibinahagi ni Janine sa kaniyang social media account ay napansin din ng ilang mga netizens ang pagkakatulad ng kaniyang mga background sa mga larawang pinopost ng aktor na si Rayver Cruz.

Hindi magkasama ang dalawang artista sa iisang larawan ngunit kapansin-pansin sa mga ito ang pagkakamukha ng mga lugar na kanilang binibisita. Halimbawa na lamang ang isang larawan ni Janine kung saan makikita siyang nakasuot ng kulay itim na “one piece swimsuit” sa dulo ng isang bangka, habang si Rayver naman ay makikita ring nasa dulo ng isang bangka habang may hawak na sagwan.



Mayroon pang ilang mga larawan ang dalawa kung saan makikita ang magaganda nilang pangangatawan. Si Janine Marie Elizabeth Olson Gutierrez ay mas nakilala ng publiko bilang si Janine Gutierrez.

Siya ay isang sikat na aktres, host at modelo. Ang kaniyang mga magulang ay sina Lotlot de Leon





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *