“Beauty is in the eye of the beholder.” Ito na marahil ang isa sa pinakakilalang kasabihan na alam na alam ng marami sa atin.

Ang tunay na kagandahan ay makikita mo sa sarili mo mismo. Kamakailan lamang ay naging mainit na usap-usapan sa social media ang bali-balita patungkol sa diumano ay pagpaparetoke ng ilong ng singer na si Janine Berdin.



Si Patricia Janine Dusaran Berdin ay 18 taong gulang na singer-songwriter, recording artist, at Kapamilya actress. Siya ang tinanghal na kampeon ng Season 2 Tawag ng Tanghalan ng programang “It’s Showtime”.

Lingid sa kaalaman ng publiko ay sumali na pala siya noon sa “Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Superstars” na naging dahilan upang mabigyan siya ng ilang mga prokyekto sa ABS-CBN. Madalas ay batang kontrabida ang kaniyang karakter.



Isa din siya sa miyembro ng girl group na J.E.Z. kasama sina Elha Nympha at Zephanie Dimaranan. “Gem of OPM” kung tawagin siya ng publiko dahil na rin sa pambihirang husay niya sa pag-awit sa sarili niya mismong istilo.


Sa ngayon ay ipinagpapatuloy pa rin niya ang kaniyang pag-aaral sa Philippine Women’s University (PWU). Siya ay kumukuha ng kursong “Communication Arts”.

Kamakailan lamang ay nagulat ang marami niyang mga tagahanga at tagasuporta dahil sa kaniyang naging pisikal na transpormasyon. Hindi lamang kasi niya nagawang magbawas ng timbang, nagpaayos rin siya ng kaniyang ilong.

Inamin naman ito ng dalaga sa programa ng “Unkaboggable Star” na si Vice Ganda na “Gabing Gabi na Vice”. Ayon kay Janine ay matagal na niyang “insecurities” ang kaniyang timbang at ilong kung kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon ay hindi na siya nagdalawang-isip pa.



Marami man ang mga taong laban dito at nagtatanong kung bakit niya ito nagawa, marami din naman ang natutuwa sa ginawa niyang ito para sa kaniyang kaligayahan.

Para sa kaniya ang pagmamahal sa sarili ay hindi lamang pagiging kuntento sa mga bagay na mayroon ka kundi ang pagnanais mong maging mas masaya at mas mapabuti ang iyong sarili sa panlabas o panloob mo mang anyo.