Showbiz, Viral

Janella Salvador at Markus Paterson, pinakilig ang publiko sa mga larawan ng bonding moments nila sa England!



Si Janella Maxine Desiderio Salvador o mas nakilala ng publiko bilang si Janella Salvador ay 22 taong gulang na aktres at mang-aawit. Siya ay una nang hinangaan sa natatangi niyang pagganap sa mga programang “Be Careful with My Heart”, “Oh My G!”, “So Connected”, “Born for You” at marami pang iba.

Siya ay isinilang sa Cebu at lumaki naman sa San Juan. Ang kaniyang mga magulang ay sina Juan Miguel Salvador na frontman ng Rage Band at isang award-winning songwriter, at si Jenine Desiderio na minsan nang gumanap sa West End bilang Miss Saigon.



Hindi na nakapagatatakang namana niya sa kaniyang mga magulang ang pambihirang husay niya sa pag-awit. Maging sa pag-arte ay talagang hinangaan din siya ng publiko. Ngunit kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang diumano’y lihim na pagbubuntis nito.

Maaalalang napabalita na lamang noon ang paglipad niya patungong ibang bansa na sinundan din naman ng pag-alis ng kaniyang magulang at kapatid.

Sa gitna ng pandemya ay sinundan pa rin siya ng kaniyang pamilya sa ibang bansa kung kaya naman naging mainit ang usapin ng kaniyang pagdadalang-tao. Wala namang naging anumang kumpirmasyon si Janella at ang kaniyang nobyong si Markus Paterson patungkol sa naturang isyu.


Sa ngayon ay magkasama sila sa England at namamasyal sa ilang mga magagandang lugar dito. Kamakailan lamang ay pinag-usapan ng maraming mga netizens ang kanilang “sweet bonding moment” na ibinahagi nila sa kanilang social media accounts.

Ibinahagi ni Mark ang larawan ng kaniyang nobya sa isa sa kaniyang mga post na mayroong caption na “Lovely Day”. Habang si Janella naman ay nagpost ng kanilang naging pamamasyal sa Parade Gardens sa Bath, England at nilagyan niya ito ng caption na “A rainy autumn day with you.”



Si Mark Paul Robert Paterson o Mark Paterson naman ay 22 taong gulang na Filipino-British actor, singer, television host, fashion model at professional footballer na nakabase sa Pilipinas.