Viral

Jackie Rice, sinupalpal ang mga bastos na netizens na nagkokomento sa kaniyang mga larawan!



Si Jacqueline Sobreo Rice o mas nakilala ng publiko bilang si Jackie Rice ay 30 taong gulang na aktres, endorser, at modelo. Ang kaniyang ama ay isang Amerikano habang Pilipina naman ang kaniyang ina. Lumaki siya sa Zambales.

Siya ang tinanghal na Ultimate Female Survivor ng ikatlong season ng “Starstruck” taong 2005. Dahil dito ay nabigyan siya ng maraming mga proyekto sa telebisyon at maging sa mga pelikula.



Tunay nga na isa siya sa mga artistang mayroong pinakamagandang mukha at pangangatawan sa industriya ng show business. Dahil dito ay hindi na nakapagtataka na maraming mga lalaki ang pinagpapantasyahan siya.


Tulad na lamang halimbawa ng ilang mga netizens na ito na tila hindi na nakapagpigil pa at agad na lamang nagkomento ng hindi magagandang salita patungkol sa mga sexy niyang larawan na madalas niyang ibahagi sa kaniyang social media account. Hindi katulad ng ibang mga artista na hahayaan na lamang ang ganitong pag-uugali, sinigurado ni Jackie na nasa kaniya pa rin ang huling halakhak dahil sa talagang inisa-isa niyang sagutin ang mga bastos na komento sa kaniya ng mga netizens na ito na tila mga lalaki base na rin sa kanilang mga social media accounts.

Nang mayroong nagkomento ng larawan ng kamay na puno ng kalyo ay agad itong sinagot ng aktres. Gayundin naman ay mayroon ding ilan pang mga netizens na nagsasabing mainit na kung aya naman ayon sa aktres ay dapat na silang uminom ng kanilang mga “maintenance”.



Tunay ngang marami ang nagulat sa ginawang ito ni Jackie dahil hindi naman lahat ng artistang tulad niya ay naglalaan pa ng oras para sa mga taong ganito mag-isip at magtrato sa mga kababaihan. Maraming mga netizens ang nagsasabing tama lamang ang kaniyang ginawa upang malaman ng mga lalaking ito na hindi tama ang kanilang pag-iisip.

Samantala ay mayroon din namang mga netizens ang nagsasabing dapat ay hindi na lamang niya pinansin ang mga ito dahil lalo pa silang magkakaroon ng interes sa dalaga dahil sa pagbibigay nito ng atensyon sa kanila.