Showbiz

Jackie Forster, may napakagandang mensahe para sa kaniyang mga bashers patungkol sa kaniyang bikini photos!



Si Jackie Forster ay isang sikat na aktres noon na talagang hinangaan ng maraming mga Pilipino. Hindi lamang kasi siya maganda kundi talagang may talento din sa pag-arte lalo na sa pagpapatawa.

Madalas na laman siya ng mga pelikula at iba pang mga programa sa telebisyon. Nakakabatang kapatid siya ng aktres at host na si Mickey Ferriols na ngayon ay 47 taong gulang na.



Dati siyang asawa ng komedyante, at “retired professional basketball player” na si Benjie Paras. Nagkaroon sila ng dalawang mga anak, sina Andre at Kobe Paras. Noon ay hindi naging maayos ang relasyon niya sa kaniyang mga anak ngunit sa ngayon ay nabigyan nang linaw ang lahat ng mga bagay na nangyari noon.

Sa ngayon ay kuntento at talagang wala nang mahihiling pa sa kaniyang buhay si Jackie dahil sa masaya na rin naman siyang namumuhay kasama ang kaniyang asawang si Michael Franken kung saan siya ay mayroong dalawang mga anak na sina Caleigh at Yohan. Mayroon din siyang naging anak sa dati niyang nakarelasyon na pinangalanan niyang Jared.

Kahit pa nga lima na ang kaniyang mga anak ay makikita pa rin sa kaniyang mukha at pangangatawan kung paano niya alagaan ang kaniyang sarili. Sa edad niyang 42 taong gulang ay wala pa ring kupas ang kaniyang kagandahan.




Sa katunayan ay nagbahagi pa siya ng ilang mga larawan niya sa naging “family getaway” nila sa Boracay para sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan. Talaga namang napa-sana all ang maraming mga netizens dahil sa mga nakakabighaning larawan niya habang nakasuot siya ng two-piece swimsuit.

Bago pa man dagsain ng napakaraming hindi magandang komento ang mga posts niyang ito ay nagbahagi na siya ng isang napakagandang mensahe para sa kaniyang mga bashers. Ayon sa kaniya ay hindi na dapat sila magkomento pa ng hindi magagandang bagay sa mga larawan niyang ito dahil alam niya sa kaniyang sarili na hindi siya mataba kundi “chunky”.

Kahit pa marami syang mga “stretch marks” at “cellulite” sa katawan ay talagang komportable at proud pa rin siyang mag-bikini. Dagdag pa niya, kung wala rin naman silang magandang sasabihin ay magdasal na lamang sila at gamitin ang kanilang lakas upang gumawa ng mabubuting bagay.

Agad naman itong sinang-ayunan ng mga kapwa niya celebrities tulad na lamang nina Sunshine Cruz, Geneva Cruz, Vina Morales at marami pang iba. Maging ang anak niyang si Kobe ay hindi napigilang magkomento sa mga larawan ng kaniyang ina. “Yeaaaa Mama slayyy” wika niya.