Showbiz

Ivana Alawi, nagbalik ng pasasalamat sa kaniyang mga “subscribers” nang umabot na ng 10 million subscribers ang kaniyang YouTube channel!



Sa panahon natin ngayon, talaga namang usong-uso na ang mga video blogs. Hindi lamang mga artista, modelo, pulitiko at mga ordinaryong Pilipino ang sumusubok na pasukin ang industriyang ito.

Napakaraming mga tao ang talagang nagkakaroon ng interes na maging isang vlogger. Hindi ka lamang kasi sisikat dahil sa paggawa ng mga videos na ito, malaki din ang posibilidad na kumita ka ng malaking halaga ng salapi buwan buwan.



Marami na ring mga personalidad ang talagang kinikilala sa social media, sa paggawa ng mga videos, isa na marahil sa kanila ay si Ivana Alawi. Lingid sa kaalaman ng marami ay dati na siyang sumubok na pasukin ang pag-aartista ngunit hindi siya naging matagumpay sa larangang ito.

Hanggang sa nabigyan siya ng pambihirang pagkakataon sa vlogging. Mas marami ang humanga sa kaniya dahil sa pagiging simple niya sa kaniyang mga vlogs.



Kahit pa maraming ipinamanang ari-arian sa kaniya ang kaniyang ama ay nananatili pa rin siyang mapagpakumbaba. Hindi na nga nakapagtatakang nasa higit 10 milyon na ang kaniyang mga YouTube subscribers.


Labis na kagalakan at pasasalamat ang kaniyang naramdaman gayundin naman ang kaniyang pamilya dahil sa walang sawang suporta sa kaniya ng publiko. At dahil nga umabot na ng 10 milyon ang kaniyang mga tagasubaybay sa kaniyang YouTube channel ay nais niyang magbalik ng kaniyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging dahilan ng tagumpay niyang ito.

Ang naisip niyang gawin ay ang mamahagi ng mga munting regalo at kaunting halaga ng pera sa mga taong labis na nangangailangan lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan. Bago pa man magtungo sa “grocery” si Ivana ay sinorpresa na siya ng kaniyang mga kapatid at ng pinakamamahal niyang ina.



Naghanda sila ng simpleng salo-salo para sa aktres kung saan nakahain ang mga paborito niyang pagkain tulad nang “Chicken inasal”, Laing at Sisig. Hindi rin nalimutan ni Mona na ipaghanda ng hiwa-hiwang sila ang kaniyang ate na talaga namang na-aappreciate nito.

Masayang kumain ang mag-anak at makikita pang nakakamay sina Ivana at ang kaniyang ina. Tunay nga na hindi niya ninais na maghanda ng enggrandeng pagdiriwang para sa tagumpay niyang ito.

Mas nais niyang mapakinabangan ng maraming nangangailangan ang perang gagastusin niya sa ano mang enggrandeng handaan lalo na sa panahon na kinakaharap natin sa ngayon na hindi naman lahat ay mayroong tirahan, trabaho at pagkain sa araw-araw.