Madalas nating naririnig sa mga interview ng mga sikat na artista ang mga bagay na hindi na nila nagagawa pa lalo na ngayong kilala na sila ng publiko. Ilan na sa mga ito ay ang pagpunta sa mga matataong lugar kung saan maaari silang pagkaguluhan ng mga tao.

Hindi kasi talaga naiiwasan madalas lalo na kung sobrang saya ng mga “fans” at “supporters” ay nasasaktan nila ng hindi sinasadya ang mga iniidolo nilang artista. Para sa kanilang mga kaligtasan ay madalas na kumukuha pa ng mga personal na bodyguards ang mga sikat na personalidad na ito o di kaya naman ay hindi na lamang sila pumupunta sa mga lugar na alam nilang pagkakaguluhan sila ng maraming tao.



Ngunit tila ba walang pangambang nararamdaman ang sikat na aktres, host, chef at celebrity mom na si Judy Ann Santos-Agoncillo. Namataan kasi siya sa isang mall na naglilibot-libot at namamasyal kasama lamang ang kaniyang kaibigan.


Wala siyang natanggap na “VIP treatment” sa kahit sino roon ngunit talagang makikita mo sa kaniyang mga mata ang labis na kasiyahan dahil sa nagawa niyang makalibot sa isang pampublikong lugar tulad na nga ng isang mall. Para bang isa lamang siyang ordinaryong “mall goer”.

Kuha sa viral video mula sa YouTube channel na Showbiz Paparazzi ang ugali ni Juday sa likod ng kamera. Talaga namang makikita ang sobrang kabaitan at pagpapakumbaba ng 42 taong gulang na “award-winning actress”.



Wala siyang inatrasan na kahit na isang fan na nagnanais ng “selfie” o “grufie” kasama siya. Siya pa nga mismo ang naghahawak ng kanilang mga kamera para sa mas magandang anggulo.

Umani ng maraming mga komento at reaksyon sa publiko ang ginawang ito ng aktres. Hindi naman kasi lahat ng mga artista ay ganito kabait at mayroong ganitong pagtrato sa kaniyang mga tagasuporta lalo na kung sa pampublikong lugar at wala pa siyang mga kasama na maaaring magprotekta sa kaniyang kung sakaling mayroong mangyaring hindi maganda.

Source: Notableph





Previous articlePaula Peralejo, isa sa pinakamagandang aktres ng kaniyang henerasyon noon. Nasaan na nga kaya siya ngayon matapos niyang talikuran ang show business?
Next articleKathryn Bernardo, pinamangha ang publiko dahil sa pagpapasilip nito ng napakagandang kitchen area ng bagong renovate lamang!