Si Danielle Claudine Ortega Garcia-Crawford o mas nakilala ng publiko bilang si Coleen Garcia ay 27 taong gulang na aktres, host at modelo. Apat na taon din siyang naging host ng “It’s Showtime” mula 2012 hanggang 2016.


Makalipas nito ay inilaan na niya ang marami niyang oras sa pag-arte sa mga pelikula at ilang mga programa sa telebisyon. Taong 2014 ay napabalitang nagde-date sina Coleen at Billy Crawford. Makalipas pa ang dalawang taon ay ibinahagi nila sa publiko ang kanilang engagement.


Ikinasal sila noong Abril 2018. Mayo ng taong 2020 ay nasorpresa ang marami dahil sa Instagram post nila na nagdadalang-tao na si Coleen.




At kamakailan nga lamang ay ibinahagi nila sa publiko na nanganak na si Coleen sa pamamagitan ng “water birth”. Ito pala ang ilang mga dahilan kung bakit niya ito napili:

1. Noon pa man ay ginagawa na ito ng mga Hapon (1980) at Briton (1805) ayon sa International Childbirth Education Association (ICEA) kung saan nilalagyan nila ng “warm water” ang panganganak ng ilang mga kababaihan.
2. Inilarawan din ng American Pregnancy Association ang “water birth” bilang “gentler for the baby and less stressful for the mother”.
3. Mas nabibigyang pansin ang “skin-to-skin contact post -birth” para sa ina at sa sanggol.
4. Natural.


Narito naman ang ilan sa mga masamang epekto nito:
1. Ayon sa UK’s Royal College of Obstetrician and Gynecologist, ang mga nanay na magnanais na makapanganak sa pamamagitan ng “water birth” ay maaaring makaranas ng “amniotic fluid embolism” na isang seryosong kondisyon.
2. Pahayg naman ng American Pregnancy Association, maaaring makahinga ng tubig ang sanggol habang ginagawa ang prosesong ito.
3. Hindi maaaring mag-water birth ang mga nanay na mayroong delikadong kondisyon. Halimbawa na lang ang mga nanay na sumailalim na sa C-section, yung mga may “chronic condition” tulad ng hypertension, diabetes, herpes na mas mabilis kumalat sa tubig, gestational diabetes at preeclampsia.
4. Hindi rin ito maaari sa mga sanggol na nasa breech position. Mga ina na napaaga ang pagsisilang o premature delivery at mga inang mayroong isa o higit pang ipinagbubuntis.