Viral

Isang napakagandang bahay sa gitna ng kabukiran pumukaw sa atensyon sa publiko!



Maraming mga Pilipino ang nangangarap na magkaroon ng sarili nilang bahay at lupa. Ngunit kung ating pakaiisipin ay talagang napakaimposible nitong mangyari lalo na kung kumikita lamang tayo ng “minimum wage” sa loob ng isang buwan.


Napakalaking halaga ng pera ang kailangan upang makabili tayo ng isang maayos na lote. Napakarami rin ang kakailanganing mga materyales upang sa wakas ay maipatayo natin ang pangarap nating bahay.



Hindi naman mahalaga ang sukat ng ating titirhan lalo na kung ang kasama naman natin ay ating mga mahal sa buhay. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang post na ito ng Facebook Page na “Sa Aming Nayon” nito lamang Oktubre 10.


Mayroon itong caption na “Parang maganda din yung bakal at plywood lang, mas makakamura kaysa sa kahoy. Palagay n’yo mga ka-Nayon?”. Napakaraming mga netizens ang hindi napigilang mamangha sa kinalabasan ng bahay na ito.

Hindi mo kasi aakalaing gawa ito sa plywood at bakal. Tila ba hango sa pelikula ang hitsura ng bahay na ito.


Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 5.3 libong komento ang naturang post at higit sa 30,000 na mga shares habang ang mga nag-react naman ay nasa 8.5 libo na. Tunay nga na kung nanaisin mo pala talagang makagawa ng ganito kagandang tahanan ay kaya naman pala.


Kailangan mo lang ng mga taong susuporta sa iyo, at siyempre sapat na ipon upang makabili ka ng lupat at iba pang mga materyales para sa pangarap mong bahay. Marami ang nagkaroon ng inspirasyon dahil sa ganitong klase ng bahay o tirahan.



Maaari naman pa lang magkaroon ng maayos, komportable at maganda bahay kahit hindi mansyon at hindi sa isang eksklusibong lugar nakatayo ang ating bahay. Nasa bawat isa sa atin ang ikasasaya at ikakukuntento natin sa ating buhay.


Kung kaya naman tiyak na mas marami pa sa atin ang magsusumikap na makamit ang ating mga pangarap gaano man kasimple o kalaki ang mga ito.