Isang magsaka ang nakatagpo ng pinakamalaking itlog sa kasaysayan ng buong daigdig!



Gumulantang sa publiko ang balita patungkol sa pinakamalaking itlog sa kasaysayan ng buong daigdig! Pasko nang matagpuan sa Buenos Aires, Argentina ng isang magsasaka ang diumano ay isang “glyptodont” na isang “prehistoric” na uri ng dambuhalang armadillo.

Ang magsasakang ito ay nakilala bilang si Juan De Dios Sota. Inakala niyang dumi lamang ng isang hayop tulad ng baka o kabayo ang isang malaking tipak ng bagay na natagpuan niya. Nang bahagya niya itong nilapitan ay talagang inakala niyang itlog ito ng isang dinosaur ngunit nagkakamali pala siya.



Nang bungkalin at makita nila ang buong hitsura nito ay nagulat ang lahat dahil sa ito pala ay 10,000 taong gulang na itlog ng isang malaking uri ng armadillo. Ayon sa naging pahayag ng kaniyang asawang si Reina Coronel ay lumabas lamang ito sandali noon at nang bumalik siya ay agad nitong sinabi sa kaniya ang diumano ay itlog na kaniyang natagpuan ay isang itlog ng dinosaur!

Labis na nagulat si Reina sa ibinalita ng kaniyang mister. Ngunit ayon sa ilang mga eksperto ay malaki ang pagkakamukha ng natagpuang itlog sa isang “glyptodont”.



“There is no doubt that it looks like a glyptodont,” pahayag ng paleontologist na si Alejandro Kramarz ng Bernadino Rivadavia Natural Sciences Museum.

Talaga namang napakaraming mga netizens ang nagulat at hindi makapaniwala sa natagpuang ito ng magsasaka. Para sa kanila ay napakahalagang bagay nito dahil sa maaaring marami pang matuklasan ang mga eksperto patungkol sa mga hayop na naninirahan sa ating mundo ilang libong taon na ang nakaraan.

At dahil sa mga pag-aaral na ito ay tiyak na magiging malaking tulong ito upang masagot ang ilan sa ating mga tanong patungkol sa mga bagay noong unang panahon. Sadyang napakaraming nakakamanghang bagay ang hindi pa natutuklasan at hindi pa natatagpuan sa ating mundo.



Dahil dito ay mas marami pang mga eksperto at mga indibidwal ang tiyak na magsusumikap na makatuklas pa ng mas maraming mga bagay na magiging kapaki-pakinabang hindi lamang sa ngayon kundi maging sa hinaharap na rin.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *