Viral

Isang lalaking nais lamang maghanap-buhay ng marangal, panlalait at panghuhusga ang napala dahil sa kaniyang hitsura!



Hindi madali ang kumita ng pera sa ngayon lalo na at ramdam pa rin natin ang napakahirap na epekto ng pandemya. Bawat sentimong kinikita natin ngayon ay talagang pilit nating itinatabi at pinagkakasya sa gastusin natin sa araw-araw.

Photo credit: Nick Jairo Joachico FB

Tunay nga na napakapalad na natin kung hanggang sa mga oras na ito ay mayroon tayong trabaho o pinagkakakitaan gaano man ito kahirap. Dahil na rin sa naging matinding epekto sa atin ng pandemya ay maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho, marami ring mga negosyo ang kinailangang magsara dahil sa hindi na talaga nila kaya pang bumangon sa gitna ng pagsubok na ito.

Photo credit: Nick Jairo Joachico FB

Kung kaya naman para sa mga taong nais pa ring kumita kahit na kaunting halaga lamang ay talagang pinapasok nila ang kahit ano pa mang trabaho basta’t ito ay marangal. Kamakailan lamang isang lalaki ang gumawa ng paraan upang makapagpatuloy pa rin sa kaniyang paghahanap-buhay.



Sinubukan na rin kasi niyang magtinda ng mga damit online kahit pa nga kadalasan ay mga kababaihan lamang ang makikitang gumagawa nito. Ayon sa Facebook account ng netizen na si Nick Jairo Joachico, unang beses pa lamang mag-live ng taong ito upang makapagbenta ng ilang mga damit ngunit sadyang napakarami na agad mga taong nanghuhusga at nanlalait sa kaniya dahil lamang sa kaniyang pisikal na anyo.

Photo credit: Nick Jairo Joachico FB

Ayon sa ilang mga mapaghusgang netizen na nagkomento sa ginawang “live” ng taong ito ay mukha itong nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot dahil sa kaniyang mga lubog na mata at payat na pangangatawan. Mayroon ding ilan pang mga netizens ang nagbiro na isang kilo ang kaniyang kukuhanin na tila ba nagpapatungkol na nagtutulak nga ang naturang lalaki.

Sa kabila ng mga hindi magandang komento na ito ng ilang mga netizens ay nagpatuloy pa rin sa kaniyang pag-aalok at pagtitinda ang masipag na lalaki. Tunay nga na hindi naging tama kailan man ang mang-insulto at manghamak ng tao lalo na kung wala naman itong ginagawang masama sa atin.