Viral

Isang Fil-Am nurse na nakaligtas mula sa pandemyang COVID-19, nakatanggap ng isang brand-new SUV mula kay Ellen DeGeneres!



Napakasarap nga talagang maramdaman na pinapahalagahan ka at binibigya ka ng importansiya ng mga taong nakapaligid sa iyo. Sa mga simpleng gawi at salita lamang ay talagang nakakataba na ng puso na napapansin o nakikita din pala ng ibang tao ang iyong mga sakripisyo.

PHOTO/S: SCREENGRAB FROM THE ELLEN SHOW ON YOUTUBE

Tulad na lamang halimbawa ng isang Fil-Am nurse na ito na talagang ginugol ang kaniyang oras upang matulungan at maalagaan ang mga pasyenteng nangangailangan sa kaniya. Sa gitna ng pandemya ay talagang hindi niya inalintana ang panganib na maaaring maidulot sa kaniya ng pagtatrabaho niya sa ospital.

PHOTO/S: SCREENGRAB FROM THE ELLEN SHOW ON YOUTUBE

Ayon kasi sa ilang mga ulat ay talagang masipag sa trabaho ang Filipino-American nurse na si Flor Maylyn Roz. Kahit pa nga nagpositibo rin siya noon sa karamdamang ito ay hindi ito naging hadlang upang talikuran niya ang kaniyang tungkulin na alagaan ang kaniyang mga pasyente bilang isang nurse.



PHOTO/S: SCREENGRAB FROM THE ELLEN SHOW ON YOUTUBE

Sa ngayon ay magaling na siya at nagpapatuloy na sa kaniyang trabaho. Ngunit madalas ay kinakailangan pa niyang makihati sa sasakyan ng kaniyang mister para lamang makarating sa ospital na kaniyang pinagtatrabahuhan o di kaya naman ay nakikisakay na lamang siya sa kaniyang mga katrabaho.

Dahil sa pambihirang pagmamahal niya sa kaniyang propesyon lalo na sa kaniyang mga pasyente at hindi na nakapagtatakang makatanggap siya ng natatanging regalo mula sa American TV host-producer na si Ellen DeGeneres. Brand-new SUV lang naman ang kaniyang iniregalo kay Flor.

PHOTO/S: SCREENGRAB FROM THE ELLEN SHOW ON YOUTUBE

Walang pagsidlan ng tuwa ang Pinay nurse dahil hindi niya akalai na makakatanggap siya ng ganitong klaseng sorpresa. Nito lamang Disyembre ay tampok sa “The Ellen DeGeneres Show” ang naging paasasalamat nila sa iba’t ibang mga “frontline workers” natin ngayon na masigasig pa ring nagtatrabaho para sa kapakanan ng publiko.

“I became a nurse because, since I was a kid, I love helping people,” pahayag ni Flor nang kapanayamin siya ng “The Ellen DeGeneres Show”.