Viral

Isang Briton ang nakatira na lamang sa kalye matapos itakbo ng kaniyang Pinay na asawa ang kaniyang pera!



Isang dayuhang Briton ang usap-usapan ngayon sa social media matapos siyang takbuhan ng asawa niya na isang Pilipina tangay ang lahat ng kaniyang pera. Sa ngayon ay 75 taong gulang na ang dayuhang lalaki at talaga namang kapansin-pansin sa kaniyang pangangatawan at hitsura ang paghihirap na kaniyang dinaranas.

Umaasa na lamang siya sa awa at habag ng mga taong nagbibigay ng pagkain sa kaniya sa araw-araw. Hindi na napigilan pa ang maraming mga netizens na ibahagi ang ilan sa kaniyang mga larawan at ang kaniyang masalimuot na kwento.



Ang naturang British national ay nakilala sa pangalan na Arthur Ernest. Noon ay nagmamay-ari siya ng isang “computer shop” sa Canlalay, Biñan sa Laguna.

Ngunit kamakailan lamang ay namataan na siya ng ilang mga netizens na naninirahan na lamang sa kalye at nasa mahirap na kalagayan. Buti na lamang at mayroon pa ring mabubuting loob na nagbibigay sa kaniya ng kaunting tulong at makakain.


Ayon pa sa ilang mga kwento ng mga netizens, ang pangalan ng kaniyang misis na isang Pilipina ay Elsa Freeman na co-owner ng negosyong “computer shop” ng dayuhang Briton. Mayroong mga sabi-sabing maaaring pumanaw na si Elsa ngunit mas marami ang naniniwalang nasa Canada na siya ngayon at dinala niya ang lahat ng pera ni Arthur.

Wala siyang maayos na bahay at wala rin siyang trabaho upang kumita ng salaping kailangan niya para sa pang-araw-araw niyang pagkain at sa kaniyang mga gamot sa sakit niyang “diabetes”. Ayon sa ating batas, hindi maaaring magmay-ari ng mga negosyo o mga “property ang isang dayuhan sa ating bansa.

Ayon din sa “Philippines Condominium Act” maaari lamang makabili ng condo unit ang mga dayuhan kung ang 60% ng gusaling ito ay pagmamay-ari ng mga Pilipino. Tunay nga na hanggang sa ngayon ay marami pa ring mga netizens ang nagnanais na matulungan ang dayuhan na makauwi man lamang sa kaniyang bansa at makapiling ang kaniyang mga mahal sa buhay na talagang nagmamahal at nagmamalasakit sa kaniya.