Sa edad na 22 taong gulang ay kadalasang nagsisimula pa lamang sa kanilang mga karera ang maraming mga kabataan. Marami sa mga kabataang ito ang halos wala pang plano patungkol sa kanilang kinabukasan at kakaunti lamang ang nakakapag-isip na bumili ng sarili nilang bahay at lupa.


Mas marami din sa mga kabataan ngayon ang mas gustong magbiyahe o mamasyal sa iba’t-ibang mga lugar kung saan sila ay gumagastos ng malaking halaga ng salapi. Bagamat wala rin namang masama sa pamamasyal sa magagandang mga lugar gamit ang pinaghirapan mong pera ay mas mainam pa rin namang mailagay sa mainam ang perang pinagpaguran mong kitain, tulad na lamang halimbawa ng pag-iipon para sa hinaharap.


Kahit pa nga bata pa lamang ay maaari nang mangarap na makapagretiro ng maaga kung iyong gugustuhin. Nagulat ang publiko dahil sa ang 22-anyos na dalagang ito ay nakabili na siya ng sarili niyang bahay at lupa na ang downpayment ay halagang P6,000 lamang!
Mas mababa pa sa downpayment kung sakaling magnanais kang bumili ng isang kotse. Ang dalagang ito ay nakilala bilang si Cams Cruz.


Hinangaan at pinuri siya ng publiko dahil sa kaniyang edad ay napagpundar na siya ng sarili niyang bahay at lupa. Kung mayroong iilan na mas pipiliin munang bumili ng sarili nilang kotse, mas pinili niyang bumili ng mas permanente at mas magiging kapakipakinabang sa kaniya.


Ang property na kaniyang nabili ay isang 44 sqm house and lot. Bagamat hindi pa ito opisyal na kaniya dahil sa huhulugan pa niya ito ay masama na rin siya dahil sa kaniya mismo ito nakapangalan.


Dagdag pa niya ay sulit na rin ito kaysa naman mangupahan sila ng kaniyang pamilya nang matagal na panahon. Ibinahagi rin ni Cams na ang bahay at lupa na kaniyang nabili sa downpayment na P6,000 ay matatagpuan sa Bocaue, Bulacan.


Sa halagang ito ay napareserve na niya ang kaniyang unit at nasa 45 araw pa bago ang hulog ng installement nito. Sa loob ng 25 taon ay huhulugan niya ito buwan buwan ng P6,288.

Sa loob ng 18 buwan ay maaari na rin silang lumipat dito.