Ilan sa mga artistang nagbebenta ng kanilang mga personal na gamit ngayon ay sina Heart Evangelista at KC Concepcion. Ang pera na malilikom nila ay ilalaan nila upang matulungan ang mga taong naapektuhan ng bagyong Ulysses ilang araw pa lamang ang nakalilipas.

Sa Twitter account mismo ng aktres at social media personality na si Heart ay nagbahagi siya ng ilang mga larawan ng mga bagay na kaniyang ibinebenta tulad na lamang halimbawa ng buri bag organizer, patterned handwoven barrel baskets, seashell placemats, disco ball evening bag, at marami pang iba. Maaari itong bilhin ng mga interesadong indibidwal sa kaniyang Instagram store, ang “Shop Maison Love Marie”.



“I will be auctioning some of my favorite designer pieces on @shopmaisonlovemarie ig account in the next following days … all proceeds will be donated to those affected by this typhoon.” Pahayag ni Heart sa kaniyang post.


Sa Instagram page naman ni KC Concepcion ay sinabi niyang ibebenta niya ang ilan sa mga koleksyon niya ng alahas upang makalikom ng pondong ilalaan niya rin upang tulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng nakaraang kalamidad sa Cagayan na isa sa mga napinsala ng husto ng bagyong Ulysses. Dagdag pa niya ay “handcrafted” ang kaniyang Avec Moi jewelry pieces na siya mismo ang nagdisenyo.

Kadalasan ay apat na linggo pa ito bago matapos dahil sa ito ay “made-to-order”. Talaga namang napakaganda at napakaelegante ng mga alahas na ito.

“I’m selling ready-made, handcrafted @avecmoijewelry pieces (it usually takes 4 weeks made-to-order), designed by yours truly, for the IMMEDIATE RESCUE & RELIEF efforts in Cagayan, Northern Philippines. They will be available to serious buyers on Tuesday, November 17th.” Pahayag ni KC.



Tunay nga na hindi pa rin nawawala sa puso ng maraming mga Pilipino, ordinaryong mamamayan man o mga sikat na personalidad, ang pagtulong sa mga taong labis na nangangailangan lalo na sa mga panahon ngayon. Hindi lamang banta ng pandemya ang kinakaharap natin ngunit maging ang hagupit ni Inang Kalikasan.





Previous articleRobin at Mariel Padilla nagpatayo ng isang apartment para sa kanilang mga kasambahay at pamilya nila!
Next articleVice Ganda, ibinahagi sa kaniyang vlog ang naging karanasan nila sa nagdaang bagyong Ulysses nang magbakasyon sila sa Balesin Island!