Showbiz

Gerald Anderson pumayag sa imbitasyon ng aktres na si Julia Barretto!



Si Gerald Randolph Anderson ay 31 taong gulang na Filipino-American actor. Hindi lamang siya hinangaan dahil sa angkin niyang kagwapuhan at kakisigan kundi maging sa napakahusay niyang pagganap sa kaniyang mga karakter.

Ilan sa mga hindi malilimutan niyang proyekto ay ang “Sana Maulit Muli”, “My Girl”, “Tayong Dalawa”, “Budoy”, “Mar’s Ravelo’s: Dyesebel”, “Nathaniel”, “On The Job”, “Between Maybes” at marami pang iba. Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang kinasangkutang kontrobersiya ng dalawa.



Kung saan diumano ay nagtaksil si Gerald sa noon ay nobya nitong si Bea Alonzo. Ayon sa ilang mga ulat ay nagkamabutihan sina Julia at Gerald habang ginagawa nila ang pelikula nilang “Between Maybes” noong 2019 kahit pa nga pareho silang mga mga karelasyon nang panahon iyon. Nito lamang ika-2 araw ng Disyembre ng magpost ang aktres sa kaniyang Instagram story ng screenshot ng promotion ng kanilang pelikula.


“Tara? @andersongeraldjr [black heart and Japanese temple gate emoji].” Ito ang naging caption ni Julia kung saan naka-tag pa ang aktor na si Gerald.

Agad naman din itong ni-repost ng huli at nag-iwan pa ng mensaheng nagkukumpirma sa pagpayag nito sa imbitasyon ni Julia. Tunay nga na napansin ng publiko ang suportang ibinibigay ng dalawa sa isa’t-isa.

Tulad na lamang halimbawa nang magbukas sa publiko ang private resort ni Gerald na “Hayati Prive Resort” sa Zambales. Hindi nagdalawang-isip si Julia na i-promote ito sa pamamagitan ng pagpopost niya ng logo ng resort sa kaniyang Instagram story na agad din naman niyang binura makalipas ang ilang oras.



Kahit pa isang taon na rin ang nakararaan buhat ng mangyari ang isyung na ito ay hindi pa rin maiwasan ng publiko na obserbahan ang mga kinikilos at sinasabi ng dalawa lalo na at hindi nila kinumpirmang nagkamabutihan nga sila noon. Ngunit hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang naniniwalang totoong may relasyon ang dalawa hanggang sa ngayon.