Showbiz, Viral

Geneva Cruz may tips sa mga taong nais ring maging sexy at ubod ng ganda tulad niya kahit pa nasa 40s na ang edad!



Si Geneva Mendoza Cruz ay 44 taong gulang na aktres at multi-platinum Pinay singer. Marami ang talagang humahangaa sa mga sikat niyang awitin tulad nang “Anak Ng Pasig” at “Kailan”.

Siya ay nadiskubre noon ng National Artist of the Philippines for Music na si Ryan Cayabyab na siya ring naging mentor niya. Miyembro din si Geneva ng iconic music group na “Smokey Mountain”. Tunay ngang isa si Geneva sa pinakahinahangaang personalidad sa showbiz dahil sa angkin niyang kagandahan at kasexyhan kahit pa nga nasa 40s na ang kaniyang edad.



Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa publiko ang kaniyang mga ginagawa upang mapanatili ang balingkinitan niyang pangangatawan. Ayon sa aktres ay mas naeenjoy niya ngayon ang kaniyang buhay at mas naging positibo siya sa araw-araw kahit pa nga maraming mga alalahanin ang kinakaharap natin.


Dahil sa kaniyang edad ay marami na siyang mga napagtagumpayang pagsubok kung kaya naman mas madali na para sa kaniya ngayon ang mga pagsubok na dumadating sa kaniyang buhay. Payo din ng aktres ay dapat naman talaga nating alagaan ang kalusugan at pangangatawan kahit ano pang edad ang mayroon tayo.

Dahil habang tumatanda tayo ay marami na tayong mga bagay na hindi kayang gawin tulad noong tayo ay bata pa. Halimbawa na lamang ay ang pagbaba ng ating metabolism at ang pagkawala ng ating mga muscles sa katawan.



Upang maiwasan ito ay dapat na magkaroon tayo ng masustansiyang pagkain sa araw-araw at huwag ding kalimutan ang mag-ehersisyo. Hindi rin niya hinahayaang mapaligiran siya ng mga negatibong tao dahil para sa kaniya ay nais na lamang niyang maging masaya at ayaw na niyang mag-alala pa patungkol sa mga malilit lang na mga bagay.

Bilang panghuling mensahe ay pinaalalahanan niya ang publiko na kaya namang pabagalin ang proseso ng pagtanda kung magkakaroon lamang tayo ng wastong disiplina sa pagkain at pag-eehersisyo. Wala din diumanong masama sa pagyakap sa mga “flaws” natin sa katawan dahil ang pagmamahal sa ating sarili ang makakapagpasaya sa ating puso at kalooban na siyang makikita sa ating mga mata at panglabas na anyo.