Isang biyaya mula sa Maykapal ang pagdating sa atin ng ating mga anak. Kaya naman isa sa ating ipinagdiriwang ay ang unang taon ng kanilang kaarawan.

At bilang isang ina, ay masayang ibinahagi ni Andi Eigenmann ang kaarawan ng kanyang bunso sa Baby Lilo sa social media.

Nitong July 23,ipinagdiwang ni baby Lilo ang kanyang unang kaarawan, kasabay ang pagpopost ni Andi ng lawaran ng anak, kung saan makikita ang ka-cutetan ni baby Lilo.
Sa photoshoot at makikita ang matatamis na ngiti ni baby Lilo na wari ba ay sanay na sanay ng magpapicture sa kamera. Kung saan kasama niya ang kanyang ina at ang kanyang Ate Ellie. Bagamat ang kanyang Daddy Philmar ay di nakasama sa photoshoot at naiwan ito sa Siargao, kung saan ito ay kilalang propesyonal na surfer at kabilang sa men’s short board division of the Philippine Surfing Championship Tour (PSCT).

Kalakip ng photoshoot ay ang madamdaming mensahe mula kay Andi para kay baby Lilo . Mula sa kanyang Instagram post.
“365 days went by so quickly and a lot has happened around us, but having you kept our lives staying as positive as can be, and our hearts filled with so much joy.”

“You are truly one of a kind, Lilo,” “and you’re life has just begun! I can’t wait for what life has in store for you… and the other way around.”

Mababakas sa mensahe ni Andi kung gaano nito kamahal ang anak, ang kaligayahan. Sa post na ito ni Andi ay marami ang humanga at nagpaabot ng kani-kanilang pagbati kung saan karamihan ay humiling ng mabubuting bagay para kay Baby Lilo.

Maligayang kaarawan, Baby Lilo!

Ang mga larawan ay kuha ng magaling na photographer na si Stephen Pechon ng Nice Print Photography.