Sabi ng matatanda, ang pag-aasawa raw ay hindi parang pagsubo ng mainit na kanin na kapag napaso ka ay maaari mo na lang iluwa agad agad.

Sa oras na magdesisyon kang lumagay na sa tahimik kasama ng iyong minamahal at magkasama na kayong bumuo ng pamilya ay hindi mo na maaari pang talikuran ang lahat ng obligasyon at responsibilidad mo sa iyong pamilya.


Ngunit hindi lahat ng mag-asawa ay nagtatagal ang pagsasama sa loob ng maraming mga taon. Tulad na lamang halimbawa ng OPM Singer na si Jovit Baldivino at ng kaniyang dating nobyang si Shara Chavez.


Ayon sa ilang mga ulat ay dalawang taon na rin ang nakakalipas mula nang maging kontrobersiyal ang paghihiwalay ng dalawa. Nahuli kasi ni Shara na mayroong kasamang ibang babae si Jovit sa isang live video.


Ayon pa sa kaniya ay hindi rin maganda ang trato sa kaniya nito kahit na mayroon na silang isang anak. Sa dami ng sakripisyo at sama ng loob na naranasan niya kay Jovit ay hindi na siya nagdalawang-isip pa na maging single parent na lang para sa kanilang anak.


Ngunit kung inaakala ng marami na ikalulungkot at ikasisira niya ang nangyari sa kanilang pagsasama, mas nagpursige at mas nagsumikap pa siya sa buhay niya ngayon para sa kaniyang sarili lalo’t higit para sa kaniyang anak. Sa ngayon nga ay talagang kapansin-pansin ang pagiging “blooming” nito at talagang aakalain mong bumalik siyang muli sa pagkadalaga.

Sinong mag-aakala na ang dating pinagpalit sa ibang babae ay mas gaganda at mas magiging matagumpay pa sa ngayon? Maraming mga netizens ang nagsasabing kung noon ay tila kahawig niya ang batikang aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo, sa ngayon ay tila ba mas kamukha na niya si Kathryn Bernardo ng KathNiel.


Tunay nga na walang ibang magmamahal at magpapahalaga sa iyong sarili kung hindi ikaw lang. Dapat mo munang mahalin ang iyong sarili upang makapagbigay ka din ng wagas na pagmamahal sa ibang tao lalo na sa iyong mga mahal sa buhay.