Kamakailan lamang ay hinangaan ng publiko ang pambihirang katapatan na ipinamalas ng isang mag-aaral sa taga-Guimaras matapos niyang makapulot ng isang lumulutang na “pelican case” na mayroon palang mamahaling bagay sa loob nito. Nang mga oras na iyon ay kasama ng 20 taong gulang na estudyanteng si Nichol Tagudin ang kaniyang ama habang nangingisda sila sa Guimaras Sea.

Agad na napansin ni Nichol ang isang lumulutan na bagay kung kaya naman agad niya itong kinuha upang alamin kung ano ang nasa loob nito. Ang “pelican case” pala na ito ay mayroong isang iPhone XS Max 256GB sa loob nito, powerbank at iba pang mga mamahaling gamit.




Labis na nagulat ang mag-ama sa natagpuan nilang ito dahil sa hindi talaga nila inaasahan na ito pala ang laman ng lumulutang na bagay na iyon sa karagatan. Nabigla man ay hindi pinag-interesan ng mag-ama ang kanilang natagpuang mga bagay bagkus ay agad nilang hinanap ang tunay na nagmamay-ari ng mga mamahaling bagay na ito.

Napag-alaman nila na isang 14 taong gulang na laaki pala ang may-ari ng mga gamit na kanilang natapuan. Siya ay walang iba kung hindi si Ethan Atienza.

Ayon sa kaniyang kwento ay naiwala niya ang kaniyang “pelican case” ng minsang nawalan siya ng kontrol sa kaniyang minamanehong jet ski. Nahulog siya rito at hindi na namalayang maging ang kaniyang “pelican case” ay nahulog na rin pala at inanod ng tuluyan.



Sinong mag-aakala na matatagpuan pa niya ang kaniyang mga gamit na halos anim na mga araw na palang lumulutang sa karagatan? Nasa 50 milya na rin ang nilakbay nito bago pa tuluyang mapulot ni Nichol.

Nang malaman ng pamilya Atienza ang pambihirang katapatan ni Nichol ay agad nila itong binisita sa kaniyang probinsiya, pinasalamatan sa pamamagitan ng pabuyang Php11,000 at inalok pa siya ng trabaho ng ama ng may-ari ng “pelican case”.





Previous articleAlex Gonzaga at Donnalyn Bartolome, ibibigay ang kikitain ang latest vlog nila sa mga biktima ng bagyong Ulysses!
Next articleLalaki, kalaboso matapos magnakaw ng gatas at diaper sa Taguig!