Viral

Estudyante nabigong makapasa sa exit exam niya ng 6 na beses, ngunit naging top 1 sa Engineering Board Exam!



Sinong mag-aakala na ang isang estudyanteng anim na beses nang nabigoa upang makapasa sa kaniyang exit exams ay magiging numero uno pa sa kanilang Engineering Board Exam? Nakakabilib naman talaga hindi ba?

Photo credit: Gineers Now

Ngunit hindi pala ito naging madali para kay Aaron Polancos. Nagkaroon kasi talaga siya ng problema upang makapasa sa kaniyang “exit exams” sa Mapua Institute of Technology sa Maynila.

Siya ay kumukuha ng kursong “BS Electronics Engineering” at kinakailangan nilang makapasa muna sa “exit exams” nila bago sila tuluyang maka-graduate. Wala namang “limit” kung ilang beses maaaring kumuha nito ang mga estudyante ngunit sadyang naging mahirap talaga para kay Aaron ang makapasa sa “exit exam” na ito.



Umaasa ang kaniyang mga magulang na makakapagtapos na siya kung kaya naman mas naging malaking hamon talaga sa kaniya ang makapasa siya rito. Buti na lamang, sa wakas ay nagtagumpay na siya sa ikapitong pagsubok niyang makapasa.

Saktong-sakto lang talaga upang makaabot siya para sa kanilang “graduation”. Nakapasa man sa kanilang “exit exams” ay kailangan pa rin niyang makapasa sa kanilang “board exam”.

Photo credit: Gineers Now

Dahil sa nahirapan talaga siyang makapasa sa kanilang “exit exams” talaga namang labis siyang nag-alala na makakapasa siya sa kanilang “board exam” dahil sa tiyak na mahihirapan din siyang maipasa ito sa unang pagsubok lamang. Ngunit nabigla ang lahat ng maging Top 1 pa nga siya!

“I’ve studied hard and failed miserably every time. In my seventh take, I have passed,” Pagkukwento ni Aaron.

Dagdag pa niya ay natutulog siya ng mga panahong lumabas ang resulta ng kanilang “board exam” kung kaya naman talagang hindi siya makapaniwala sa una. Tunay ngang maraming mga magagandang bagay ang hindi mo inaasahang mangyari sa iyong buhay sa hindi mo inaasahang panahon.



Marami man ang mga taong hindi naniniwala sa iyong kakayanan, hindi mo dapat kalimutang magpakatatag hindi lamang para sa iyong pamilya kundi para na rin sa pag-abot mo sa sarili mong mga pangarap.