Showbiz

Elha Nympha, sinorpresa ang publiko dahil sa napakaganda niyang “bikini photos” na kuha sa bakasyon niya sa Bolinao, Pangasinan!



Si Elha Mae Nympha o mas nakilala ng maraming mga Pilipino bilang si Elha Nympha ay 16 na taong gulang na mang-aawit. Siya ang tinanghal na kampeon sa naging ikalawang “season” ng “The Voice Kids” taong 2015.

Photo credit: Elamaenympha instagram

Ayon sa ilang mga ulat, tatlong taong gulang pa lamang siya ay nakahiligan na niya ang pag-awit. Sa edad na pitong taong gulang ay madalas na siyang laman ng mga “singing competition” lalo na sa kanilang eskwelahan.

Madalas rin siyang nag-uuwi ng mga tropeyo at iba pang karangalan. Hindi nga talaga maikakailang isa siya sa may pinakamagandang boses ngayon sa industriya ng show business sa bansa.



Photo credit: Elamaenympha instagram

Kung noon ay isang napakacute na bata ang tingin ng maraming mga Pilipino sa kaniya, ngayon ay talagang napakalaki ng naging pagbabago ng kaniyang pisikal na kaanyuan. Sa katunayan ay nagbahagi nga siya ng ilang mga larawan niya habang nagbabakasyon siya sa Bolinao, Pangasinan.

Photo credit: Elamaenympha instagram

Sa mga kuhang larawan ay nakasuot siya ng kulay itim na “swimsuit” at talaga namang nakakamangha ang napakagandang hubog ng kaniyang katawan. Ayon sa mga naging panayam sa kaniya ay nagsimula siyang magbawas ng timbang buwan nang Marso nang magsimula ang pandemya.

Noong una ay gusto lamang talaga niyang may magawa at mapaggugulan ng oras habang hinihintay na humupa ang sitwasyon ng nakakahawang sakit na pumasok na sa ating bansa. Hindi niya akalain na magkakaroon pala ng napakagandang epekto sa kaniya ang naging pag-eehersisyo at pagdidyeta niya.

Photo credit: Elamaenympha instagram

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang marami niyang mga tagahanga na ito na ngayon ang bagong Elha na mayroong pambihirang talento sa pag-awit. Tunay nga na kung gugustuhin pala talaga nating magbawas ng timbang at talagang paglalaanan natin ito ng panahon ay makakamit din natin ang ating mga pinapangarap.

Napakaraming mga kababaihan ang nakapulot ng inspirasyon kay Elha. Tunay nga na walang imposible sa taong masikap, determinado at masigasig sa buhay, hindi ba?