Viral

Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, sweet na sweet sa kanilang espesyal na dinner date sa isang mamahaling restaurant!



Si Maria Victoria “Vicki” Gonzalez Belo-Kho ay 64 na taong gulang na dermatologist at television personality. Siya ang founder, CEO, at Medical Director ng Belo Medical Group.

Credit: @victoria_belo instagram

Kilalang kilala siya ng maraming mga Pilipino dahil suking suki niya ang mga sikat na artista at personalidad sa kaniyang mga clinic sa iba’t-ibang panig ng bansa. Siya ay ikinasal kay Dr. Hayden Kho noong taong 2017 at mayroon silang isang anak, si Scarlet Snow Belo na talaga nang napakacute din!

Credit: @victoria_belo instagram

Kamakailan lamang ay ibinahagi nila sa publiko ang naging intimate at special dinner date nila sa isang napakaganda at mamahaling restaurant. Mahalaga sa kanila ang magkaroon ng “bonding time” bilang mag-asawa kung kaya naman hindi na muna nila isinama ang kanilang anak na si Scarlet kahit pa nga makikita sa video na umiiyak ito at tila ayaw payagan ang kaniyang mga magulang na umalis.



Credit: @victoria_belo instagram

Samantala ay napakaganda namang tingnan at napakaelegante ni Dra. Vicki sa kaniyang simpleng red dress habang napakagwapo at nakatikas din namang tingnan ni Dr. Hayden sa kaniyang simpleng suit. Sa Nobu Hotel Manila sila nag-date sa kauna-unahang pagkakataon mula nang pumutok ang pandemya sa bansa kung kaya naman excited na excited talaga silang mag-asawa.

Credit: @victoria_belo instagram

Pulos papuri naman ang komento ni Dra. Vicki sa kaniyang Instagram posts patungkol sa naging karanasan nila sa mamahaling restaurant. Talaga namang napakaelegante ng set-up ng lugar, napaka-intimate at romantic.

Credit: @victoria_belo instagram

Maging ang plating ng mga pagkain ay talaga namang nakakagutom. Ipinakilala sa mag-asawa si Chef Mike na siyang naghanda ng kanilang napakasarap na Japanese-Peruvian food infusion.

Credit: @victoria_belo instagram

Mayroon ding larawan sina Dra. Vicki kung saan makikita ang nagkalat na mga pulang talutot ng bulaklak na tila rosas. Tunay nga na kahit gaano tayo kaabala sa maraming mga bagay tulad ng trabaho, pag-aaral at iba pang mga interes ng tao, hindi dapat natin makalimutan na maglaan ng oras para sa mga taong pinakamamahal natin.