Showbiz

Derek Ramsay, namataang kasama ang isang napakagandang fitness model na so Aya Tubillo sa gitna ng hiwalayan nila ng dating nobyang si Andrea Torres!



Tunay nga na isa si Derek Ramsay o si Derek Arthur Paggao Ramsay Jr. sa tunay na buhay sa pinakahinahangaang aktor sa ngayon. Kahit pa nga siya ay 44 na taong gulang na ay marami pa ring humahanga at kinikilig sa kaniya.

Hindi na rin nga nakapagtatakang makatambal niya ang ilan sa pinakamaganda at pinakaseksing aktres sa industriya ng showbiz. Dito rin naman niya nakilala ang dati niyang nobya na si Andrea Torres.



Taong 2019 kasi nang magkatrabaho ang dalawa sa television series na “The Better Woman”. Naging mabuti silang magkaibigan at kalaunan nga ay nauwi rin sa matamis na pagmamahalan ang kanilang pagkakamabutihan.

Talaga namang napakaraming mga Pilipino ang napamahal na sa kanila at hinangaan ang kanilang relasyon. Ngunit tulad ng iba pang mga relasyon ay maaaring humarap din sila sa napakabigat na mga pagsubok.

Dahilan upang maghiwalay silang dalawa. Kahit pa nga tuluyan nang naghiwalay sila ng landas ay hindi pa rin nawala ang pagrespeto nila sa bawat isa dahil sa nananatili pa rin silang tahimik sa naging tunay na rason ng kanilang paghihiwalay.



Nagsimulang maramdaman ng kanilang mga tagahanga at tagasubaybay na wala na ang kanilang mga “sweet pictures” sa kanilang mga social media accounts. Naka-unfollow na rin ang aktor sa social media ng Kapuso actress.

Makalipas lamang ang ilang mga araw buhat ng maisapubliko ang kanilang paghihiwalayan ay namataan namang kasama ni Derek ang isang napakagandang babae sa katauhan ni Aya Tubillo. Mayroong mga espekulasyon na marahil ay siya talaga ang dahilan ng paghihiwalayan ng dalawa.

Ngunit wala namang naging kumpirmasyon sa magkabilang panig hanggang sa ngayon. Ang ipinost na larawan ni Aya sa kaniyang Instagram account kasama si Derek ay talaga namang umani ng napakaraming komento at reaksyon mula sa publiko.

Nakapribado na rin ang social media account ni Aya ayon sa ilang mga ulat. Ano nga kaya ang katotohanan sa likod ng larawang ito?