Marriage

Dennis Padilla inakusahan na ginagawang katatawanan ang LGBTQ lalo na at ang kaniyang anak ay nagpakasal sa isa ring babae sa Estados Unidos!



Napakarami nang naging pagbabago sa ating pamumuhay at paniniwala mula noon. Tunay nga na sa paglipas ng panahon ay mas marami pa tayong mararanasang pagbabago sa ating buhay.

Image by Diane Baldivia via Facebook

Marahil isa na sa mga pagbabagong ito ang pagkilala sa LGBTQ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Questioning (or Queer) Community sa maraming mga bansa sa buong mundo. Mayroon nang mga bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo ang ginagawang legal ang pagpapakasal ng mga taong nabibilang sa LGBTQ.

Image by Diane Baldivia via Facebook

Ngunit mayroon pa ring ilang mga bansa na hindi ito pinapayagan tulad na lamang sa bansang Pilipinas. Sa kabila nito ay marami pa rin naman ang sumusuporta sa kanilang mga paniniwala, talento at ambag sa lipunan.



Isa rin ito sa pinakasensitibong paksa ngayon sa bansa. Kamakailan nga lamang ay inakusahan ng ilan ang aktor at komedyanteng si Dennis Padilla na ginagawa diumano niyang katatawanan ang LGBTQ lalo na dahil ang kaniyang anak ay nagpakasal sa isa ring babae sa Estados Unidos.

Image by Diane Baldivia via Facebook

Paglilinaw naman niya, hindi niya ito kayang gawin dahil sa mismong ang kaniyang anak ay nagpakasal sa isang babae sa ibang bansa. Nirerespeto niya ang desisyon ng kaniyang anak kung kaya naman hindi na siya tumutol pa sa kagustuhan nito lalo na at nasa wastong edad naman na ang kaniyang panganay na anak na si Diane Baldivia.

Image by Diane Baldivia via Facebook

Ikinasal si Diane sa kaniyang partner na si Kathy Balmes noong September 26, 2019 sa California. Para kay Dennis ay hindi ito dahilan upang bastusin o gawin niyang katatawanan ang LGBTQ.

Image by Diane Baldivia via Facebook

“So, nang ikasal sila sa Amerika, I was happy for them. Ako pa ba ang babastos sa LGBTQ, eh, yung daughter ko, asawa babae? Legally married sila sa California.” Pahayag ni Dennis.



Sa Facebook post naman ng anak niyang si Diane ay talagang makikita na naging napakasaya nito sa kaniyang desisyon na magpakasal sa taong minamahal niya. Tunay nga na hindi natin maaaring pigilan ang puso ng dalawang taong nagmamahalan lalo na kung wala naman silang ibang naging kasalanan kundi mahalin ang isa’t-isa.

Source: Push