Showbiz

Dating mga Kapamilya artists na ganap nang mga lisensyadong doktor ngayon, nagbigay inspirasyon sa publiko!



Hindi madali ang pagtupad sa ating mga pangarap. Marami tayong kailangang pagdaan, sakripisyo, pagsubok at mga paghihirap sa pag-abot ng mga ito ngunit matapos ang lahat ng ito ay talaga namang napakasarap sa pakiramdam na nalampasan mo na ang lahat ng ito.

Pagkatapos nga ng tila walang katapusang pagsubok at paghihirap ay makakamtan na natin ang pinakaaasam-asam nating tagumpay. Marahil ito rin ang nararamdaman ngayon ng dalawang mga Kapamilya artists noon na ngayon nga ay ganap na palang mga doktor.



Kamakailan lamang ay nagsilbing inspirasyon sa publiko ang naging tagumpay nina Angeli Gonzales at Alec Duñgo na nakapasa sa November 2020 Physician Licensure Examination (PLE). Noon pa man ay pangarap na ni Kay Angeli Gonzales ang maging isang doktor.


Nakilala siya noon bilang isang mahusay na child star at marami na din siyang nagawang mga pelikula at programa sa telebisyon tulad na lamang ng “Wansapanatym,” “Maalaala Mo Kaya,” “Home Along Da Riles,” at “Luv U.” Ngunit mas pinili niyang unahin ang pangarap niyang maging isang ganap na doktor.

Siya ngayon ay 26 taong gulang na at isa na siyang “registered medical laboratory scientist” at “medical transcriptionist”. Siya ay nakapagtapos sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute noong taong 2019.

Isa pang Kapamilya artist noon ang ganap nang licensed physician, siya ay walang iba kundi ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Alec Brandon Duñgo. Nagpost siya sa kaniyang social media account patungkol sa bagong tagumpay na kaniyang nakamit.

At nito lamang Setyembre ay naibahagi niya sa YouTube vlog ni Rafael Emi kung bakit niya napili ang maging isang doktor kaysa pumasok sa industriya ng showbiz. Narito ang kaniyang naging kasagutan:



“Siyempre sumali ako ng PBB noong 2012. Akala ko nong time na ‘yun doon ako papunta towards showbiz pero parang dumating sa point na na-miss kong mag-aral, na-miss kong mag-school, and even nong before I joined PBB naman, ‘yung dream ko talaga was to become a doctor. So nong ga-graduate na ako ng undergraduate course ko na BS Pharmacy, may turning point talaga na itutuloy ko mag-med school or ita-try ko mas mag focus sa showbiz?” Pagbabahagi niya.