Showbiz

Daniel Padilla, “financially stable” na pagtungtong niya sa edad na 35 taong gulang ay maaari na siyang magretiro!



Si Daniel John Ford Padilla o mas nakilala ng publiko bilang si Daniel Padilla ay 25 taong gulang na aktor, business man at recording artist. Siya ang kauna-unahang “Pinoy artist” na nanalo ng “Kids’ Choice Awards” para sa “Global Slime Star”.

Ang kaniyanag mga magulang ay sina Rommel Padilla, isang sikat na aktor mula sa angkan ng mga Padilla at ang singer-actress na si Karla Estrada. Isa siya sa pinakahinahangaang aktor ngayon ng kaniyang henerasyon.



Hindi lamang siya mahusay sa pag-arte ngunit talagang nakakabilib din ang kaniyang talento sa pag-awit na tiyak na namana nito sa kaniyang ina. Marami din ang humahanga sa relasyon nila ng kaniyang “longtime girlfriend” na si “Kathryn Bernardo”.

Taong 2012 nang maging magkarelasyon sila at hanggang sa ngayon ay talaga namang nagiging matatag pa lalo ang kanilang pag-iibigan. Hindi lamang maginoo at magalang ang tingin ng publiko kay Daniel, kundi isa rin siyang mapagmahal na anak at kapatid sa kaniyang pamilya.

Kamakailan lamang ay pinaunlakan ng kaniyang ina na si Karla ang imbitasyon ni Vicky Belo para sa kaniyang latest vlog. Ayon sa naging pahayag ni Karla ay “financially stable” na ang kaniyang anak na si Daniel sa edad na 35 taong gulang.

Dagdag pa niya kahit magretiro na siya sa edad na ito ay pwedeng pwede na rin kahit hanggang sa kaniyang mga apo pa. Ito ay dahil sa nakatapagtabi na ng pera si Karla para sa kinabukasan ng kaniyang anak.



Ibinahagi din naman ni Karla na siya talaga ang naghahawak ng pera ni Daniel noon pa man. Sa dinami-rami ng mga nagawa niyang pelikula at programa sa telebisyon ay hindi na maitatanggi na malaki na rin ang naipon niya mula sa kaniyang mga naging kinita rito.

Hindi raw palahingi ng pera o cash ang kaniyang anak ngunit kapag nanghingi raw ito ng pera sa kaniya ay talagang napapahawak na lamang siya sa pader!

“Hindi siya palahingi. Hindi ‘yon humihingi ng pera na cash pero mag-alala ka na kapag ‘Ma.’ Iba-ibang tono yan, kapag ‘hi Ma’ naku patay tayo diyan. ‘Oh ‘Ma may darating na sasakyan.’ Hindi siya humihingi. Pero kapag humingi siya, kumapit ka na sa pader,” Pahayag ng “Magandang Buhay” host.