Hindi lahat tayo ay ipinanganak na mayroong masaganang pamumuhay. Karamihan sa atin ay talagang nagsisimula sa hirap. Nagiging asensado sa buhay at talagang tumutulong sa mga taong nangangailangan sa kabila ng layo ng kanilang narating sa buhay.

Ngunit nakakalungkot lamang isipin na habang tumatagal ay mas maraming mga tao ang mas nagbibigay ng halaga sa panglabas na kaanyuan higit pa sa mabuting kaisipan at kalooban. Maraming mga tao ang hindi mapigilang ikumpara ang mga kabataan ngayon sa mga kabataan noon, ngunit pinatunayan ng isang dalagang ito na hindi naman lahat ng mga kabataan sa ngayon ay tulad ng ating iniisip.



Talaga namang umani ng napakaraming positibong komento mula sa publiko ang dalagang si Angela Sta Maria dahil sa angkin niyang kagandahan, katalinuhan at pagiging madiskarte sa buhay. Nagbahagi siya ng dalawang mga larawan sa kaniyang social media account kung saan makikita ang napakaganda niyang larawan kung saan ay ayos na ayos siya at ang kaniyang larawan habang mayroon siyang buhat na isang galon.


Ayon sa dalaga ay madalas siyang nakakatanggap ng panunukso at panghuhusga hindi lamang mula sa kaniyang mga kaibigan kundi lalo na sa kaniyang mga kamag-anak. Dagdag pa niya hindi naman niya kailangang maging presentable at maganda sa bawat anggulo sa araw-araw lalo na kung mas marami siyang mga responsibilidad na kailangang gawin.

Ang kaniyang pangunahing prayoridad ay mapakain ang kaniyang pamilya. Marami man siyang gustong gawin sa buhay ay hindi maaari dahil sa kailangan niyang magsumikap at mahirap upang matulungan ang kaniyang pamilya.

Nais niyang magkaroon ng maayos na buhay ang kanilang pamilya at hindi niya kailangang sumunod sa ano mang “standards” na idinidikta ng lipunan sa kaniya. Talaga namang umani ito ng napakaraming mga komento at reaksyon sa publiko. Hindi lahat ng mga “millennials” ay katulad niyang mag-isip.



Mas inuuna niya ang kaniyang pamilya kaysa sa ibang mga bagay na hindi din naman ganoon kaimportante. Para sa kaniya ay “confident” na siyang maganda siya at hindi na niya kailangan pang patunayan ang kaniyang sarili sa ibang tao.

Ang hangad na lamang niya ay matupad niya ang kaniyang pangarap para sa kaniyang pamilya sa abot ng kaniyang makakaya.

Source: Angela Sta Ana Facebook Post





Previous articleSarah Geronimo, napansin ng ilang mga netizens na tila nadagdagan ng timbang at mayroon na ding “baby bump”. Buntis na nga kaya siya?
Next articlePulubing mag-ama na gutom na gutom ang walang kapera-pera, agad na tinulungan ng ginang na ito. Binili ng makakain at inabutan ng kaunting pera!