Si Nanette Gwen Medved-Po o mas nakilala ng publiko bilang si Nanette Medved ay 49 na taong gulang na aktres sa pelikula at telebisyon, TV host, modelo, businesswoman, at pilantropo. Siya ang founder ng Generation Hope Inc. and Friends of Hope Inc.


Ang mga kinikita ng “Hope” mula sa kanilang mga produkto ay para sa mga edukasyon ng ilang pampublikong paaralan at maging ng mga magsasaka. Siya din ang founder ng Plastic Credit Exchange, Inc. (HOPEx), isang non-profit na organisasyong naglalayong makatulong sa ilang mga negosyo at mamimili na maging responsable sa paggamit o di kaya naman ay pagtatapon ng kanilang mga plastik.

Nito lamang 2017 ay pinarangalan siya bilang isa sa napabilang sa Forbes list of “Heroes of Philantropy”. Ikinasal siya kay Christopher Po noong June 1999 sa Africa at biniyaan sila ng dalawang mga anak.


Ngunit bago pa man niya maranasan ang tahimik at masayang buhay niya sa ngayon ay naging bahagi muna siya ng show business. Dekada ‘90 nang makilala si Nanette bilang isang mahusay na aktres. Gumanap siya bilang “Darna” dahil na rin sa kaniyang mala-Diyosang kagandahan at sa kaniyang napakagandang pangangatawan.

Labag man sa kaniyang kalooban na iwanan ang show business makalipas ang ilang taon niya rito ay ninais niya pa ring sundin ang nais ng kaniyang puso na tumulong at magsilbi sa mga taong mas nangangailangan mula sa mga liblib na lugar. Mas naging masaya siyang gawin ang isang bagay na mas kapaki-pakinabang para sa kaniya.


Hindi matatawaran ang sayang nadarama niya sa ngayon dahil sa nagagawa niyang magsilbi at tumulong sa mga taong mas higit na nangangailangan. Kung kaya naman nawala man sa kaniya ang kasikatang tinatamasa niya noon sa industriya ng show business ay ayos na rin sa kaniya kung magagawa naman niya ang mga bagay na ito na talagang pangarap na niyang gawin noon pa man.