Isa sa mga tinutukan sa showbiz ang pagmamahalang ni Bossing Vic Sotto ng Eat bulaga at Pauleen Luna na dating Little Miss Philippines.

Marami ang nagulat ng malaman na sila ay may relasyon, kung saan ito ay tinutulan ng marami.
Isa na rito ang anak ni Bossing na si Oyo Boy Sotto sa dati nitong karelasyon na si Dina Bonnevie.

Isa sa mga dahilan nito ay ang agwat nila sa edad, idagdag pa ang isyu sa di pagkakaunawaan sa pagitan ng asawa ni Oyo Boy na si Kristine at Pauleen. Napabalita rin noon na ang dating nobyo ni Kristine na si Diether Ocampo, ay inakit umano ni Pauleen kung saan may nadiskubreng larawan ni Pauleen itong si Kristine sa files ng dating nobyo. Dahilan upang hindi matanggap agad ng mga anak ni Bossing si Pauleen para sa kanilang ama.



Subalit sa kabila ng pagtutol ng marami ay nanaig ang pagmamahalan nina Bossing at Pauleen, di naglaon ay natanggap na rin ng mga anak ni Bossing ang kanilang relasyon.

Makalipas ang apat na taong na pagsusuyuan at pagdedate sila ay ngpakasal noong January 30, 2016, sa St James the Great Parish sa Alabang. Kasunod nito ang pagbati sa kanilang ng pag-iisang dibdib ng ibat-ibang personalidad lalo na ang kaniyang anak na si Danica at Oyo, panutunay ng pagsuporta at pagtanggap sa mga ito.

Lalong pinagtibay ang pagmamahalan ng dalawa ng dumating si Baby Talitha noong 2017. Ito ay nagbigay kulay at kasiyahan sa kanilang pamiya.



Sa isang post ni Pauleen ay masaya niyang ibinahagi ang kahusayan at pagiging bibo ng anak sa pagmemorya ng solar system. Sa murang edad ay nagawa ni baby Talitha na bigkasin ng tama mga planeta ayon sa pagkakasunod sunod. Marami ang humanga sa cute na cute na kabibohan ng bata at nglike sa pagtuturo ni Pauleen. Tinitiyak ni Pauleen na maituturo ang dapat matutunan ni Talitha upang lumaki ito matalino at bibo kagaya niya.

 

View this post on Instagram

 

Let’s talk about the planets! ☑️

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on