Coleen Garcia, ibinahagi sa publiko na ang dahilan ng agaran niyang paglakas ay ang pag-inom niya ng sarili niyang “placenta”!



Hindi biro ang pagbubuntis at panganganak ng isang babae. Talagang mararanasan niya ang lahat ng hirap at hindi maipaliwanag na sakit.

Ngunit sa kabila nito ay talagang nakakaya nilang mapagtagumpayan ang mga ito. Ang masilayan ang kanilang supling ang talaga namang pumapawi sa kanilang takot at paghihirap.



Ngunit maliban dito ay maaari din pala siyang uminom ng sarili nilang placenta upang mas maging mabilis ang panunumbalik ng kanilang lakas. Maaaring hindi ito normal para sa ibang mga kababaihan ngunit mayroong siyentipikong paliwanag ang mga eksperto patungkol dito.

Isa sa mga kilalang personalidad na sumubok ng pamamaraang ito ay si Coleen Garcia. Setyembre 2020 nang isilang niya ang panganay nilang anak na si Baby Amari sa pamamagitan ng “water birth”.


Dahil sa takot ng maraming mga Pilipino sa pandemya ay maraming mga kababaihan ang napagdesisyunang sa bahay na lamang manganak. Patok lalo na sa mga sikat na personalidad at artista ang ganitong klase ng panganganak.

Talaga namang kitang-kita ang hirap na pinagdaanan ni Coleen habang nagle-labor at hanggang sa isilang na niya ang kanilang anak. Naging napakasarap na pakiramdam para sa isang “first time mom” na tulad niya ang makita at mahagkan ang kaniyang anak mula mismo sa kaniyang sinapupunan.



Matapos nang kaniyang pagsilang ay agad naman siyang tinulungan ng kaniyang Doula na si Irina Otkmakhova at pinainom siya ng isang fruit smoothie na mayroong placenta ni Coleen. Nang matikman niya ito ay naramdaman niyang tila mayroong magandang epekto sa kaniya ang placenta smoothie na ito.

Ayon sa ilang mga eksperto ay nakatutulong ito upang mabilis na lumakas ang mga bagong panganak dahil sa napakaraming mga bitamina nito.

“This is our story, and Amari’s birth has been nothing but good and beautiful to us. Everyone’s story and experiences are different, so if you find yourself here, please share the good vibes with us! No disrespect and negativity please.” Pahayag ni Coleen sa isa sa kaniyang mga vlogs.