Showbiz, Viral

Celebrity couple na sina Gladys Reyes at Christopher Roxas, sweet na sweet na nagbonding sa Tagaytay!



Ilang buwan na rin ang nakalilipas mula nang dumating sa bansa at lumaganap ang sakit na COVID-19. Marami ang natakot at nangamba hindi lamang para sa kanilang mga sarili kundi lalo na sa kanilang mga pamilya.

Napakarami nating naging karanasan at reyalisasyon sa halos 8 buwan na lumipas. Isa na marahil sa mga ito ay ang paglalaan ng sapat na oras para sa ating asawa at mga anak.



Maaaring lulong tayo sa trabaho noon ngunit sa panahon ng pandemya ay talaga namang naramdaman natin ang halaga ng ating mga mahal sa buhay. At dahil nga pinapayagan na rin ng pamahalaan ang pagbisita ng ilang mga Pilipino sa mga kilalang tourist destination ay hindi na ito pinalampas pa ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Sa ilang mga social media post ng beteranang aktres ay mapapansin ang sweetness ng dalawa habang namamasyal sila sa napakagandang bayan ng Batangas. Kahit pa nga halos 16 na taon na ang nakalilipas buhat nang ikasal ang dalawa ay naroroon pa din ang “kilig” at “sweetness” ng dalawa sa isa’t-isa.


Kasama nila ang iba nilang mga kaibigan at tila ba hindi nila kasama ang kanilang mga anak upang kahit papaano ay makapaglaan sila ng oras sa isa’t-isa. Ibinahagi din naman ni Gladys na ang suot niyang dress 25 taon na ang nakaraan ay talaga namang napakaganda sa isang pag-iisang dibdib.

Maraming mga netizens ang nagsasabing sa edad na 43 ay tila ba hindi naman tumatanda si Gladys at palagi na lamang siyang nagiging balakid.Sa ngayon ay mayroon na silang tatlong mga anak na sina Gian-Christopher Sommereux, Grant-Carlin Sommereux, at Gianna Aquisha.




Talaga namang kinilig rin ang publiko dahil sweetness nina Christopher at Gladys. Si Gladys Sommereu o mas nakilala ng publiko bilang si “ Clara” mula sa 90s ABS-CBN hit series na “Mara Clara”. Talaga namang maraming pintuan ang nagbukas para sa napakatalentadong Gladys Reyes.