Showbiz

Catriona Gray nagbahagi ng kaniyang “bare face picture” habang nagpapaalala sa publiko na ibang iba ang tunay na buhay sa mga posts na makikita sa social media!



Si Catriona Elisa Magnayon Gray o mas nakilala ng publiko bilang si Catriona Gray ay 26 na taong gulang na Filipino-Australian model, singer, at beauty pageant titleholder. Hinangaan siya ng buong mundo nang koronahan siya bilang “Miss Universe 2018” at malugod niyang ginampanan ang kaniyang mga tungkulin.

Image by Catriona Gray via Instagram

Siya na ang ikaapat na Pilipinang nag-uwi ng korona sa “Miss Universe competition”. Kamakailan lamang ay pinag-usapan ng publiko ang kaniyang “make-up free photo” online kung saan nagbigay siya ng paalala sa maraming mga kababaihan na hindi lahat ng nakikita natin “online” ay totoo.

Image by Catriona Gray via Instagram

Dagdag pa ng beauty queen, sa totoong buhay ay hindi siya kasing “flawless” ng kaniyang mga kuhang larawan na madalas ay nakikita sa iba’t-ibang social media platforms. Tulad ng maraming mga kababaihan ay may mga araw ding “oily” ang kaniyang mukha o di kaya naman ay mayroong mga “skin imperfections” at mga pimples ngunit ayos lang ito sa kaniya.



“Hiii. I just jumping on here with a bare faced selfie to remind you that even though in photoshoots, makeup and IG story filters, my skin looks “flawless”…in reality I have pores, oiliness, fine lines, breakouts, beauty spots and moles…and I’m perfectly fine with that.” Pahayag ni Catriona.

Hindi rin siya nagdalawang-isip na ipaalala sa marami na hindi lahat ng nakikita natin sa social media ay totoo madalas ito ay “curated feed” lamang. Kung kaya naman dapat na mas maging bukas ang ating isipan at pang-unawa.

Image by Catriona Gray via Instagram

Tunay ngang maraming mga netizens ang sumang-ayon sa kaniya at nagpasalamat dahil sa pagpapaalala niyang ito sa publiko. Madalas marami talaga sa mga kababaihan ang gustong maging perpekto sa araw-araw dahil lamang sa nakikita nilang mga aktres, modelo at sikat na mga personalidad online ngunit tulad din naman pala nila ay marami ding mga “imperfections” at “insecurities” ang ilan sa kanila.

Ang pinakamainam lang talagang gawin ay tanggapin ito ang mahalin ang ating sarili dahil wala din naman ibang magmamahal dito kundi tayo lamang at ang mga taong piniling mahalin tayo.