Showbiz

Bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby pumukaw sa atensyon ng publiko dahil sa talaga namang napakatangkad na nito!



Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino o mas nakilala ng publiko bilang si Kris Aquino ay 49 taong gulang na host, actress, producer at business woman. Siya ang tinaguriang “Queen of All Media” ng Pilipinas dahil sa napakarami na niyang nagawang talk shows at game shows.

Photo Credit: Kris Aquino instagram

Hindi rin naman matatawaran ang mga pelikulang nagawa niya lalo na ang mga “horror movies” kung saan talaga siya nakilala at siyempre napakarami din niyang mga naging “endorsements”. Ayon sa ilang mga ulat ay naging magkalive-in partner sila noon ng batikang aktor na si Philip Salvador na talagang tinutulan ng kaniyang ina.

Photo Credit: Kris Aquino instagram

Nagkaroon siya ng isang anak sa aktor na pinangalanan nilang Joshua. Taong 2003 naman nang mapabalitang nakipaghiwalay siya kay Joey Marquez dahil sa nahawa siya nito ng STD. Dalawang taon naman ang nakalipas nang magpakasal si Kris sa 38 taong gulang na PBA basketball player na si James Yap taong 2005.



Photo Credit: Kris Aquino instagram

Abril 2007 nang isilang niya ang kanilang anak na si James Carlos “Bimby” Aquino Yap, Jr. sa Makati. Taong 2010 nang makipaghiwalay si Kris kay James at 2012 nang tuluyan nang mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Talaga namang nagsumikap siyang palakihin mag-isa ang kaniyang mga anak sa abot ng kaniyang makakaya kahit pa wala ang kanilang mga ama sa kanilang tabi habang lumalaki sila. Naging “single parent” man siya ay hindi ito naging kabawasan upang maramdaman ng kaniyang mga anak na siya ay hindi sapat o siya ay nagkulang bilang isang magulang.

Kamakailan lamang ay talagang naging usap-usapan ang kaniyang mga anak sa social media. Dahil ayon sa kaniyang mga naging posts ay makikita kung gaano na sila katangkad sa ngayon.

Photo Credit: Kris Aquino instagram

Sa edad na 13-anyos ay 6-footer na ang kaniyang bunsong anak na si Bimby. Ayon sa ilang mga netizens, natural lamang ito dahil sa matangkad din naman talaga ang kaniyang amang si James.