Viral

Bride, pasan-pasan ng kaniyang groom matapos ang kanilang naging kasalan!



Mula nang pumasok ang taong 2020, sadyang napakarami nang pangyayari ang gumimbal sa ating mga Pilipino. Nariyan na ang panganib na maaaring maidulot sa ating ng “The Big One” o ang pinakakinatatakutang lindol sa kasaysayan ng bansa, ang pag-aalburoto at pagputok ng Bulkang Taal na nakaapekto sa napakaraming mga residente at kanilang kabuhayan, pagpanaw ng isang legendary basketball icon na si Kobe Bryant kasama ang isa sa kaniyang mga anak dahil sa pagbagsak ng sinasakyan nilang helicopter at ang pandemyang COVID-19 na hanggang sa ngayon ay nananalanta pa rin sa buong mundo.

Naging napakalungkot ng mga pangyayaring ito para sa ating lahat ngunit nananatili pa rin tayong positibo sa buhay. Sa napakaraming malulungkot na mga balitang ito ay mayroon pa rin namang magagandang balita na naglalagay ng ngiti sa ating mga labi.



Isa na marahil sa mga ito ang naging wagas na pagmamahal ng bagong kasal na ito sa Cebu. Ang bagong kasal ay nakilala bilang sina Rosie Babor at Mario Perez. Nito lamang Oktubre 5 nang maikasal ang dalawa sa Sto. Niño Parish.


Naging kapansin-pansin ang nararanasang hirap sa paglalakad ng bride patungong altar ngunit hindi niya ito alintana marating lamang ang kinaroroonan ng kaniyang mapapangasawa sa dulo ng altar. Nang matapos naman ang seremonya ng kanilang kasal ay agad na pinasan ng groom ang kaniyang bride upang hindi na ito mahirapan pa palabas ng simbahan.

Sa ngayon ay pinahihintulutan na ang seremonya ng kasal sa gitna ng pandemya basta’t susundin lamang ng ikakasal ang mga “safety protocols” at limitado lamang ang mga taong maaaring dumalo sa nasabing pagtitipon. Maraming mga netizens naman ang labis na humanga at bumilib sa bagong kasal na ito.

Kitang-kita naman kasi ang wagas na pagmamahalan nila at respeto para sa isa’t-isa. Ilan ito sa mga pangunahing katangian na hindi dapat makalimutan ng mag-asawa kahit gaano pa katagal ang kanilang naging pagsasama.