Showbiz, Viral

Boyfriend ni Kiray Celis, may sweet na mensahe para sa kaniya sa graduation picture nito!



Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang napakatamis na buhay pag-ibig ngayon ng aktres at komedyanteng si Kiray Celis. Maaaring maraming mga tao ang magsasabing hindi siya biniyayaan ng napakagandang mukha ngunit talaga namang mabuti ang kaniyang puso at totoong tao siya ayon sa kaniyang mga malalapit na kaibigan.

Hindi na nakapagtatakang magkaroon siya ng isang mapagmahal na nobyo sa katauhan ni Stephan Estopia na malapit na kaibigan ng kaniyang kapatid. Madalas na nagbabahagi si Kiray ng kanilang mga sweet na larawan online, mga bakasyon, at pagkain sa mga restaurants.



Talaga namang makikita sa kanilang mga mata ang labis na kasiyahan at pagmamahal. Dahil dito ay maraming mga netizens ang talagang kinikilig at sabay sabay na napapa-sana all sa kanilang pag-iibigan.

Ayon nga sa isang mga naging post ni Kiray noon, kung nasa tamang tao ka ay talagang magiging maganda ang takbo ng buhay mo. Kamakailan lamang ay nagtapos ang kaniyang nobyo ng kursong “Bachelor of Sports and Wellness Management” sa Arellano University at talaga namang proud girlfriend si Kiray.


Marami ang nakapansin sa sweet message ni Stephan para sa kaniyang nobya. Habang nakangiti kasi ito sa harap ng kamera at nakasuot ng toga ay mayroon itong hawak na mensaheng nagsasabi na mahal na mahal niya si Kiray o si Johanna Ismael Celis sa tunay na buhay.

Mayroon pang isang larawan si Stephan kung saan mababasa ang mga katagang “KIRAY LANG SAKALAM!” Maraming mga netizens ang tumutukso kay Kiray dahil sa napakahaba nitong buhok at sa labis na pagmamahal sa kaniya ng kaniyang kasintahan.



Bagamat mayroong ilang mga netizens na mayroong hindi magandang komento patungkol dito, mas marami pa rin ang talagang kinilig at tila nagnanais na makatagpo na rin ng taong magmamahal sa kanila ng husto tulad ni Kiray at Stephan. Ikaw, natagpuan mo na rin ba ang iyong “the one”?