Showbiz, Viral

Billy Crawford, sinubukang hiraman ng 5 milyong piso si James Reid at talagang nagulat siya sa pagpapakita ni James ng tunay nitong ugali!



Tiyak na naging karanasan na ng marami sa atin ang masubukan ang ilang mga kaibigan o malalapit nating kamag-anak pagdating sa pera. Kapag usaping pera na kasi ay tila ba lumalabas na ang tunay na kulay ng isang tao.

Mayroong iilan na talagang tutulong sa iyo ngunit karamihan ay talagang iiwasan ka at hindi ka tutulungan kahit pa alam mong mayroon siyang kakayahang tulungan ka. Nakakasama man ito ng loob ngunit talagang ganoon ang buhay dahil sa hindi mo rin naman mapipilit ang isang taong tulungan ka o pahiramin ka ng pera nito kung labag sa kaniyang kalooban.



Ngunit kung mayroon kang kaibigan na talagang may malasakit at pagmamahal sa iyo, tiyak na hindi ka na magdadalawang salita dito. Tulad na lamang halimbawa ng naging karanasan ng sikat na host, dancer, singer at comedian na si Billy Crawford.

Sinubukan niya kasi ang magiging reaksyon ng kaniyang kaibigang si James Reid kung sakaling manghiram siya dito ng malaking halaga ng pera. Lingid sa kaalaman ni James na “prank call” lamang ang gagawing ito ni Billy sa kaniya.


Bago pa man ito simulan ni Billy ay nagpahayag na ito ng mga katagang “Iiwan ba niya ako sa ere o mahal ako ng kapatid kong si James Reid?” Talagang nakakaintriga ang ginawang ito ni Billy kung kaya naman marami talaga ang tumutok sa kaniyang ginawang prank kay James.



Una nang sinabi ni Billy kay James nang tumawag ito sa kaniya ang tungkol sa malaking problema niya ngayon. Ayon kay Billy ay nahihiya talaga siyang lumapit kay James ngunit kailangan niyang subukan dahil sa maaaring mawala sa kaniya ang bahay at lupa na kaniyang naipundar kung hindi siya kaagad makakapagbayad.

Tinanong ni Billy si James kung maaari siyang makahiram ng 5 milyong piso dito upang hindi marimata ang kaniyang bahay at agad namang sinagot ni James ay “Ok, right now, my situation is most of my money is in Autralia so I have about —- here with me.” Sinadya ni Billy na hindi iparinig ang sinabing halaga ng kaniyang kaibigan. Hindi pa dito nagtatapos ang lahat dahil sa sinubukan pa ni Billy ang kaniyang kaibigan kung maaari itong magpadala sa kaniya ng Php10,000 upang makabayad sa ilang mga bills nila at pangbili ng diapers ng anak nila ni Coleen.



Hindi naman napahiya si Billy at talagang tinanong ni James kung paano niya maipapadala ang pera sa asawa nito.

Nagulat si James nang ibunyag na nga ni Billy na prank lang ang lahat ng ito! Talaga namang nakakabilib ang ipinakitang ito ni James na sa oras ng pangangailangan ng isang kaibigan ay talagang handa siyang sumaklolo.