Hindi na napigilan pang maging emosyonal ng bata na ito matapos niyang makatanggap ng isang napakagandang regalo mula sa may-ari ng sasakyan na kaniyang nabangga ng hindi sinasadya. Wala kasing preno ang kaniyang bisikleta at luma na rin ito kung kaya naman matinding takot ang kaniyang naramdaman nang makadisgrasya siya ng isang sasakyan.

Dahil dito ay napakaraming mga tao ang pumuri sa ginawa ng matandang lalaki na may-ari ng sasakyang nabangga ng batang lalaki dahil sa halip na magalit ay tinulungan pa nito ang bata. Ang napakagandang pangyayari na ito ay naganap sa Turkey.



Hindi man ligtas ang batang ito sa pagsakay sa kaniyang lumang bisikleta ay wala namang magawa ang kaniyang mga magulang dahil sa wala rin silang perang pambili ng bagong bisikleta o kahit pampagawa man lamang ng preno. Dahil dito ay hindi talaga maiiwasan na maaksidente ang bata o kay a naman ay makaaksidente ng iba.

Isang araw ay nangyari na nga ito nang magasgasan niya ang sasakyang ng isang matandang lalaki. Nang malaman ng matanda ang dahilan kung bakit siya nabangga ng batang lalaki ay hindi na nito pinagbayad pa ang bata at hindi na rin nito kinasuhan ang kaniyang mga magulang.
Dahil dito ay naisipan ng matandang lalaki na ipatawag muli ang bata upang personal na iabot sa kaniya ang regalo nitong bagong bisikleta. Tunay nga na hanggang sa ngayon pala ay mayroon pa ring mga taong maunawain at matulungin.

Mapalad ang batang lalaki na ito dahil mabait at matulungin ang taong nabangga niya. Sa halip na pahirapan siya at ang kaniyang mga magulang ay ito pa mismo ang gumawa ng paraan upang masigurong ligtas na siyang makasasakay sa bagong bisikleta niya na mayroon na ring preno.

Sana ay mas maraming mga tao ang magkaroon ng mabuti at matulunging puso para sa ibang tao lalo na sa mga taong tunay na nangangailangan.