Showbiz, Viral

Bea Alonzo nagbigay ng tulong para sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses!



Napakahirap ng pinagdaanan ng marami nating mga kababayan nang nagdaang mga araw dahil sa mapaminsalang bagyo na dumating sa bansa. Hindi inaasahan ng maraming mga pamilya ang pangyayari na ito kung kaya naman hanggang sa ngayon ay marami pa ring mga taong nasa mga evacuation center dahil sa naging pinsala ng nagdaang sakuna sa kanilang bahay.

Buti na lamang at sa kabila ng mga pangyayari na ito ay mayroon pa ring mga nagkukusang loob na tumulong sa mga taong apektado. Tulad na lamang ng ilang mga sikat na artista at personalidad gaya ng aktres na si Bea Alonzo.



Kamakailan lamang ay talaga hinangaan siya ng maraming mga netizens dahil sa naging maagap niyang pagtulong sa mga nangangailangan. Si Bea at Rina Navarro ang founder ng isang charity organization na pinangalanan nilang “I Am Hope”.


Nabuo ito ilang buwan lamang ang nakalilipas matapos sumailalim ang Metro Manila sa “Enhanced Community Quarantine” dahil sa pandemya. Pangunahing layunin ng grupo na makatulong sa mga frontliners sa pamamagitan ng pagdodonate ng mga pagkain at sa iba pang sektor ng lipunan na naapektuhan ng naturang krisis.

Dahil sa naging pinsala ng bagyong Ulysses sa bansa ay nagdesisyon na rin sina Bea at ang buong organisasyon na mamahagi ng tulong sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng bagyo. Ibinahagi ni Bea ang ilan sa mga larawan kung saan kasama niya ang ilang mga masisipag na miyembro ng kanilang organisasyon na naghatid ng tulong na mga pagkain, kumot, at iba pang mga relief goods sa Marikina at Cainta.



Labis labis naman ang pasasalamat ng aktres at ng kanilang grupo sa mga taong nag-volunteer at nag-donate. Inulan naman ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang ginawang pagtulong na ito ni Bea sa maraming mga Pilipino.

Sa panahon na ito ay nararapat lamang talaga na magtulungan ang bawat isa upang kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam at pamumuhay ng mga taong nakaranas ng hindi magandang pangyayari na ito.