Pamilya, maaaring isang simpleng salita lamang para sa iilan ngunit napakahalagang bagay pala para sa marami. Tulad na lamang sa Pilipinas, kilala ang ating lahi dahil sa pagiging malapit sa pamilya at sa buong mag-anak.


Noon pa man ay naging napakahalagang bahagi na ng bawat kabataang Pilipino ang kanilang mga pamilya. Maraming mga kabataan ang nagiging matagumpay sa buhay dahil sa kanilang mapagmahal at maunawaing pamilya.

Nakakalungkot lamang talaga dahil mayroon din namang ilang mga tao na hindi ganoon kaayos at kabuti ang buhay dahil sa wala silang matatakbuhan o malalapitan na mahal sa buhay. Tulad na lamang halimbawa ang dating sikat at kilalang aktor na si Rustom Padilla na sa ngayon ay mas kilala na bilang si BB Gandanghari sa Amerika.



Kamakailan lamang ay nagpahayag siya ng kaniyang saloobin patungkol sa kaniyang pamilya. Naging usap-usapan sa social media ang diumano ay biglaang pagpanaw ni BB nang natagpuan na lamang itong walang buhay sa tinitirhan niyang apartment sa Los Angeles.

Ayon sa dating aktor ay talaga namang sumama ang loob niya sa kaniyang pamilya at lalo na sa kaniyang mga kapatid dahil sa hindi man lamang nila ito kinumusta o di kaya naman ay tinulungang ipabatid sa publiko na “fake news” lamang ang kumakalat na mga balita. Batid naman daw niyang marahil ay abala ang kaniyang mga kapatid sa kaniya kaniya nilang mga buhay ngunit sana man lamang ay hindi sila basta na lamang nanahimik at nagsawalang-kibo dahil sa buhay na mismo niya ang nakataya rito.

Pinangalanan din ni BB si Robin na diumano ay naramdaman niyang inilaglag siya sa ere. Talaga namang naging emosyonal si BB sa kaniyang Instagram live ngunit paglilinaw nito ay hindi siya nagdadrama o nagpapaawa sa publiko.



Ang kaniyang pinagdaraanan ay talaga namang seryoso dahil sa wala rin naman talaga siyang matatakbuhan sa mga panahong nalulungkot, nangungulila o dumaraan siya sa pagsubok kundi ang kaniyang pamilya lamang. Hanggang sa ngayon ay nananatili pa ring tahimik ang panig ng aktor na si Robin Padilla.