Viral

Batang naglalako ng kaniyang paninda, kinabiliban ng marami dahil sa hindi ito basta-basta tumatanggap ng perang limos sa kaniya ng mga tao!



Hindi na bago sa marami sa atin ang mga taong nagtitinda sa lansangan. Sadyang nahinto lamang ang kanilang pagbabanat ng buto buhat ng magkaroon ng pandemya.

Makalipas nga ang ilang mga araw ay hindi pa rin natatapos ang ating pakikibaka sa pandemyang COVID-19 kung kaya naman marami na rin ang naglakas ng loob na lumabas ng kanilang tahanan at maglako ng kanilang mga paninda. Tulad na lamang ng isang batang lalaki na ito na siyang nakadaupang-palad ng netizen na si Xof Naraplap (Rex Palparan) kasama niya ang dalawa niyang kaibigan sa sasakyan.



Ayon sa naging pagbabahagi niya sa social media ng naging unang pagkikita nila ng bata, nais na lamang nila itong bigyan ng pera ngunit ayaw daw nitong tumanggap ng pera. Nais kasi niyang bilhin na lamang ang inaalok niyang mga mansanas kaysa naman bigyan siya ng limos na pera.

Giit pa ng batang naglalako ng mansanas, pagkain daw dapat at hindi pera ang kaniyang nais tanggapin na tulong. Talaga namang hindi sila makapaniwala na sa murang edad ng batang ito ay nais niyang mamuhay ng maayos.
Nais niyang paghirapan ang lahat ng pera na kaniyang iuuwi sa kaniyang pamilya. Sinaluduhan siya ng maraming mga netizens dahil sa ginawa niyang ito.

Kung marami na sa ngayon ang umaasa na lamang sa kanilang kapwa para lamang magkaroon sila ng pera o makakain, ang batang ito ay nagpatunay na kaya naman pala nating lahat na magpagal sa pagtatrabaho upang kumita ng pera. Inilarawan ng maraming mga netizens ang batang ito bilang isang masipag, magalang at mabuting bata.



Marami din ang nagnanais na makilala at matulungan ang bata sa abot ng kanilang makakaya. Hindi naman kasi araw-araw na makakakita at makakakilala ka ng batang mayroong ganitong pananaw sa buhay sa murang edad.

Sana ay mas maraming mga bata pa sa ngayon ang mas magiging magalang at mabait tulad ng batang ito kahit ano pa man ang kanilang estado sa buhay.