Si Pia Alonzo Wurtzbach ay 30 taong gulang na aktres, host, modelo, at beauty pageant titleholder. Siya ay unang nakilala sa industriya ng show business bilang si Pia Romero.

Siya ay isang Filipino na mayroong lahing German. Isa siya sa apat na mga Pilipinang nag-uwi ng korona ng Miss Universe noong 2015.

Lingid sa kaalaman ng marami ay tatlong beses siyang sumubok manalo sa Binibining Pilipinas. At sa ikatlong pagsubok nito ay naging matagumpay nga siya.

Ayon sa ilang mga ulat, propesyonal na modelo at personalidad sa telebisyon ang dalaga. Sa murang edad na apat na taong gulang ay talaga namang pinamangha at pinabilib niya ang publiko.

Matapos nito ay ilan pang mga teen-oriented programs ang kaniyang kinabilangan. Matapos nito ay pansamantala niyang iniwanan ang show business upang makapagpokus sa kaniyang pangarap na maging isang beauty queen.

Mula nang manalo siya at mag-uwi ng korona ng Miss Universe pageant ay mas dumami pa ang mga proyekto sa telebisyon at pelikula ang ibinibigay sa kaniya. Hindi na nakapagtataka na makapagpundar siya ng sarili niyang tahanan mula sa kaniyang pinaghirapang pera.

Kung noon ay nakikitira lamang siya sa kaniyang malapit na kaibigan sa loob ng halos sampung buwan at kalaunan ay umupa sa isang maliit na apartment, ngayon ay mayroon na siyang maganda at eleganteng tahanan. Ang kaniyang bagong pundar na condominium ay matatagpuan sa Milano Residences sa Makati City.

Ang tema ng kaniyang eleganteng tahanan ay beige at earth tones. Bukod sa napakagandang silid-tulugan ng beauty queen ay mayroon din siyang sariling make-up room sa kaniyang condo na mayroong itim at puting tema.

Nakamit niya ang kaniyang napakaganda at napakaeleganteng tahanan dahil na rin sa tulong ng “Hurray Interior Design Group” na naging katuwang niya. Tunay nga na mayroon tayong kaniya-kaniyang dalahin sa buhay.

Kaniya-kaniya rin naman tayo ng mga pagpapalang natatanggap mula sa Diyos. Kailangan lamang na mas maging determinado tayo sa buhay. Huwag din kalilimutang magtiwala sa ating sariling kakayanan at lalo’t higit sa tulong at habag ng Diyos para sa atin.