Viral

Badjao Girl Rita Gaviola, nakakaangat na ngayon sa buhay at nakapagpagawa na rin ng sarili niyang bahay apat na taon makalipas niyang mag-viral!



Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang humanga sa mga taong madalas nating makita sa iba’t-ibang platform ng social media. Isa na marahil sa mga taong nabago ang buhay dahil rito ay ang tinaguriang “Badjao Girl” na si Rita Gaviola.

Kumalat noong taong 2016 ang kaniyang larawan habang siya ay namamalimos sa probinsiya ng Quezon kasabay ng naging pagdiriwang nila ng Pahiyas Festival doon. 13 taong gulang pa lamang noon si Rita ngunit talagang hindi niya alintana ang panganib na kaniyang kinakaharap sa araw-araw lalo na at pamamalimos sa lansangan ang kanilang ikinabubuhay.



Naghihikahos at talagang hirap sa buhay noon si Rita at ang kaniyang pamilya. Ngunit marami ang namangha sa angkin niyang kagandahan kahit pa nga siya ay namamalimos lamang ng mga panahong iyon.

Naging daan din ito upang mabigyan siya ng pagkakataong maging isang modelo. Apat na taon na rin ang nakararaan mula ng mabago ang kaniyang buhay at ang buhay ng kaniyang buong pamilya.


Sa ngayon ay mayroon na siyang ilang mga endorsements na nakuha at napabilang na rin sa ilang mga proyekto sa harap ng kamera matapos niyang maginng isa sa mga housemates ng sikat na programang “Pinoy Big Brother”. Nakapagpundar na nga siya ng sarili niyang bahay mula sa kaniyang pagsusumikap sa kaniyang trabaho at sa tulong na rin ng mga taong sumusuporta sa kaniya.



Madalas din siyang magbahagi ng ilang mga larawan at videos sa kaniyang mga social media accounts. Talaga namang kapansin-pansin na mas gumanda pa siya sa ngayon. Abala man siya sa ilang mga proyekto ay hindi pa rin niya nakakalimutang tuparin ang isa pa niyang pangarap, ang maging isang ganap na guro.

Nais niya kasing matulungan din ang mga kabataang Badjao tulad niya upang matuto at magkaroon ng pagnanais na makapagtapos ng kanilang pag-aaral para na rin sa kanilang kinabukasan.