Ilang buwan na rin ang nakalilipas ngunit hindi pa rin natatapos ang ating kalbaryo dahil sa pandemyang COVID-19. Marami sa atin ang hanggang sa ngayon ay nagtitiis pa ring manatili sa kanilang mga tahanan para lamang masiguro ang kaligtasan nila at ng kanilang mga mahal sa buhay.

Mas marami na din ang piniling magtrabaho na lamang sa loob ng kanilang tahanan kaysa magtrabaho sa labas ng kanilang tirahan na maaari pang maging dahilan upang mahawa sila ng sakit o di kaya naman ay mahawa nila ang kanilang sariling pamilya. Isang babae ang tinulak palabas ng pampasaherong bus matapos niyang duraan ang isang lalaking nakasakay rin dito.



Mapapanuod sa kumakalat na video na tila nagkakaroon ng mainit na komprontasyon ang dalawa. Tila ilang minuto na ring nagtatalo ang dalawa dahil sa mayroon nang kumukuha ng video sa kanilang dalawa.

Ang insidenteng ito ay naganap sa isang Translink bus sa Vancouver, Canada. Ang Twitter user na si Hafeez Noorani, @FEEZYDoesIT, ang nagbahagi ng video na ito sa social media platform.



Kapansin-pansin naman na halos lahat ay nakasuot ng “face mask” habang ang babae ay walang kahit anong suot na proteksyon kahit pa nga batid naman ng lahat na panganib na dulot ng COVID-19 sa maraming mga bansa sa buong mundo. Mayroong sinasabi ang lalaking kaaway ng babae sa video na hindi ganoon kalinaw at hindi rin marinig ng maayos ng mga nakapanuod ng video.


Maya-maya pa ay agad nang dinuraan ng babae ang naturang lalaki. Dahil sa galit ng lalaki ay agad niyang tinulak palabas ng bus ang babae. Walang nagawa ang iba pang mga pasahero nang gawin ito ng lalaki sa babae na talagang tumalsik palabas ng bus.

Umani ng sari-saring komento mula sa publiko ang insidenteng ito. Mayroong iilan na nagsasabing hindi tama ang ginawa ng lalaki sa babae.



Ngunit mas marami naman ang nagsasabing tama lang ang ginawa ng lalaking ito dahil sa hindi nakasuot ng “face mask” ang babae kahit pa nga talagang laganap pa rin ang pandemya sa kanilang lugar. Ang pandudura sa mukha ng isang tao ay hindi rin naman talaga tama kahit ano pa man ang bagay na kanilang pinagtatalunan.