Bilang mga magulang, wala naman tayong ibang ninais kundi ang ikaaayos ng buhay ng ating mga anak. Nais nating maging masaya sila, ligtas at malakas.

Maging ang mga pangarap nila sa buhay, gaano man ito kaimposible ay talagang sisikapin nating magabayan at masuportahan sila sa abot ng ating makakaya. Sabi nga ng maraming nakatatanda, ang responsibilidad at pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak ay hindi natatapos sa oras na nakapagtapos na sila ng pag-aaral, nakapagtrabaho o kahit pa magkaroon na sila ng sarili nilang pamilya at mga anak.



Palaging magiging magulang ang mga magulang sa kanilang mga anak, ano man ang mangyari. Katulad ng ibang mga pamilya, nakakaranas din ng matinding pagsubok ang mga sikat na personalidad na hinahangaan natin tulad na lamang halimbawa ang pamilya ng kilalang “broadcast journalist” at “radio commentator” na si Anthony “Tunying” Taberna o mas kilala natin bilang si Ka Tunying.

Isang taon na rin kasi ang nakalilipas buhat ng malaman nilang mayroon palang malubhang karamdamaman ang anak nilang si Zoey na noon ay 11 taong gulang pa lamang. Ngayon ay 12-anyos na ito at talaga namang nagpapakatatag pa rin sa kabila ng kaniyang malubhang sakit sa dugo.


Nakapanayam ni Jessica Sojo ang pamilya Taberna kung saan ibinahagi nila sa publiko ang mahigpit na pagsubok na pinagdaraanan nila sa ngayon. Kasama din naman nina Ka Tunying at misis nitong si Rossel Taberna ang kanilang anak na si Azasia Zoey Taberna.

Ibinahagi ni Rossel na talagang saludo sila sa katapangan at katatagang ipinapakita ng kanilang anak habang nilalabanan nito ang kaniyang sakit. Kinailangan na rin niyang magpakalbo ng tuluyan dahil sa nalalagas na rin ang kaniyang buhok.



Ito ay dahil sa kaniyang mga “chemotherapy sessions”. Kahit pa nga nasa mahirap na sitwasyon ngayon ang pamilya ay patuloy pa rin silang nagbibigay ng kalakasan at pag-asa sa bawat isa. Marami ang nagdarasal na sana ay tuluyan nang malampasan ng mag-anak ang napakabigat nilang sitwasyon ngayon.

Source: Jessica Soho





Previous articleKathryn Bernardo, pinamangha ang publiko dahil sa pagpapasilip nito ng napakagandang kitchen area ng bagong renovate lamang!
Next articleIsang Fil-Am nurse na nakaligtas mula sa pandemyang COVID-19, nakatanggap ng isang brand-new SUV mula kay Ellen DeGeneres!