Si Andrea Nicole Guck Eigenmann o mas nakilala ng publiko bilang si Andi Eigenmann ay 30 taong gulang na aktres at modelo sa Pilipinas. Hinangaan siya ng maraming mga Pilipino dahil sa kaniyang angking kagandahan at talento sa pag-arte.

Ang kaniyang mga magulang ay batikang mga artista rin sa industriya ng show business, ito ay sina Jaclyn Jose at ang namayapang aktor na si Mark Gil. Sa kabila ng marangya niyang buhay at kasikatan sa pagiging isang artista ay pinili pa rin niyang mamuhay ng simple sa isla ng Siargao.



Sa ngayon ay masaya siyang namumuhay sa napakagandang isla na ito kasama ang kaniyang partner na si Philmar Alipayo, isang propesyonal na surfer at ang kaniyang mga anak na sina Ellie (panganay na anak ni Andi sa dati niyang nobyong si Jake Ejercito) at ang kaniyang pangalawang anak na si Baby Lilo (panganay na anak ni Andi kay Philmar). Dalawang taon na rin ang nakalilipas mula nang iwanan niya ang marangya niyang buhay at kasikatan sa industriya upang mamuhay ng simple.

Nito lamang Setyembre 27, 2020 ay nakapanayam ni Toni Gonzaga si Andi sa programang “I Feel U”. Ayon sa naging pahayag niya ay bata lamang siya ay nakakaramdam na siya ng tila kakulangan sa kaniyang buhay.

Labis na kalungkutan ang kaniyang nararamdaman noon kung kaya naman napagpasiyahan niyang mamahinga muna sa show business. Nilinaw naman niyang hindi niya nais takbuhan ang kaniyang trabaho noon, nais lamang talaga niya ng kapahingahan ngunit nang matagpuan na niya ito ay tila ba ayaw na niyang mawala pa ito sa kaniya.




“Hindi ko naman tinakbuhan yung public per se. It’s just that I wanted a break. Parang ngayon, ang sarap ng pakiramdam na pagkatapos ko pagdaanan yun, ngayon well-adjusted na ako sa buhay na pinili ko at mas ginugusto kong buhay, na tinatanggap siya ng mga tao.” Pahayag ni Andi.