Showbiz

Anak ni Sofia Andres na si Baby Zoe, talaga namang kinagigiliwan ngayon sa social media dahil sa angkin nitong kagandahan tulad ng kaniyang ina!



Maraming mga magulang ang talaga namang hindi maiwasang manggigil sa kanilang mga anak lalo na kung nagagawa na nila ang tumayo, maglakad, magsalita at gumawa ng mga simpleng bagay sa kanilang paglaki.

Tila ba bawat kibot at bawat tagumpay na magagawa nila ay nais nating makuhanan ng video o ng larawan upang sa paglaki nila ay maipakita natin sa kanila ang naging paglaki nila mula nang sanggol pa lamang sila hanggang sa tumungtong na sila sa wasto nilang mga edad.



Kamakailan lamang ay ginulat tayo ng aktres na si Sofia Andres ng ibahagi niya sa publiko na nagsilang na pala siya ng kaniyang panganak na anak sa kaniyang nobyong si Daniel Miranda. Talaga namang naging kontrobersiyal at napalaking usapin nito dahil bago pa man siya sandaling nawala sa showbiz ay nagkaroon pa siya ng ilang mga proyekto at walang nakaalam na siya pala ay nagdadalang-tao na hanggang sa nakapanganak na siya.


Ang 22 taong gulang na aktres at modelo ay talaga namang “blooming mommy” ng kaniyang isang taong gulang na anak na si Zoe Natalia. Maganda at gwapo sina Sofia at Daniel kung kaya naman hindi na nakapagtatakang manahin ng kanilang anak ang napakaganda nilang hitsura.

Kamakailan lamang ay talagang maraming mga netizens ang namangha at bumilib sa “cuteness” ni baby Zoe. Sa murang edad ay talaga namang marunong na siyang mag-pose at ngumiti sa harap ng kamera.



Tulad ng maraming mga magulang ay talagang hindi rin mapigilan ni Sofia na kuhanan ng kuhanan ng mga larawan at videos ang kaniyang munting anghel. Marahil ay marami nang mga netizens ang nakakita sa larawan ni Baby Zoe kung saan nakasuot siya ng isang blue spaghetti strap na damit, nakatali ang buhok at mayroong nakakatuwang ekspresyon sa kaniyang mukha habang nakanguso ito.

Hindi rin naman papahuli sa kaniyang mga OOTDs si Baby Zoe dahil nakasuot din siya ng kulay asul na “Gucci” shirt sa isa sa kaniyanga mga larawan habang mayroong cute na sombrero sa kaniyang ulo. Talaga namang fashionista din si Baby Zoe tulad ng kaniyang mga magulang, hindi ba?